CHAPTER 8
Nag-iisa
"Let her stay," opinyon niya matapos kong sabihin ang lahat ng sama ng loob ko dahil sa nangyari kanina sa bahay.
Nakalahati ko na ang pagkain ko at kahit na alam kong mamahalin ang mga pagkain dito ay hindi na ako nahiyang um-order ng marami. Hindi kasi ako nakakain ng marami kaninang tanghali dahil sa sobrang bad trip ko kay Ramiel.
"Eros naman. Kahit na modern na ngayon ang panahon, hindi pa rin magandang tingnan na 'yong babae ay sa bahay ng lalaki nakatira."
Nagpatuloy ako sa pagkain. Gano'n din naman si Eros pero sa tuwing natatapos niya ang pagkain sa bibig ay nagsasalita siya ulit.
"I get that pero baka naman wala talagang mapuntahan. I'm not defending the girl. Gusto ko lang intindihin si Ramiel. Maybe it's better if you let her stay in the house kaysa naman magpunta 'yon sa iba at mapasama pa."
Tinapos ko ang pagkain sa bibig ko. Bakit parang kasalanan ko?
Uminom ako ng tubig bago siya sagutin.
"Paano kung mabuntis siya ni Ramiel? Doon siya mas mapapasama."
Naningkit ang mga mata ko nang matahimik si Eros.
"See?"
"Paano kung hindi naman mabuntis?"
"Eros..."
"Yeah. I got your point but I'm sure she will not stay that long. Sigurado akong hahanapin din siya ng mga magulang niya. For now, let her stay. Give her a place for at least two days to crash in."
Hindi na ako nakasagot. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang iniisip ang mga punto ni Eros. Kung tutuusin ay hindi naman ako masamang tao para ipagtabuyan siya. Ang ayaw ko lang ay magkaroon kaagad ang kapatid ko ng malaking responsibilidad lalo na't nag-aaral pa ito. Hindi pa rin ako handang magkaroon ng panibagong miyembro ang pamilya namin dahil wala pa akong maayos na trabaho. Ayaw ko namang sabay-sabay kaming mamatay sa gutom!
Kung kaya kong pigilan ang pagiging bagito ng kapatid ko ay gagawin ko. Walang magiging batang ama!
"Can I stay in your place?" tanong ko kay Eros habang naglalakad na kami papunta sa parking lot.
"Of course. You're welcome in our home, baby. Gusto mo bang kunin na natin yung mga gamit mo?"
Napanguso ako't inirapan siya.
"I'm just kidding. Sure, I'd love that."
Hinigpitan niya ang pagkakadaop ng mga kamay namin when I mouthed a thank you.
"Pero pwede bang dumaan muna tayo sa bahay? Gusto kong kausapin si Ramiel. Kahit sandali lang?"
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan.
"Sure," he said.
Dahil walang traffic ay madali kaming nakauwi sa bahay. Naabutan ko sa sala ang mga kapatid kong nanonood. Naroon din ang babae at nakikipagtawanan sa kanila pero nang makita ang pagpasok namin ni Eros ay sabay-sabay silang natahimik.
Lumapit ako kay Rigel para tapikin ang mga paa niyang nakataas sa couch. Sumunod naman si Eros sa akin at naupo sa tabi nito.
Sinenyasan ko si Ramiel na pumunta sa kusina. Hindi naman ako nabigo dahil sinundan niya ako kaagad.
"Dalawang araw, Ramiel. I want her to go back to her family after two days."
"Sky—"
"I will be staying at Eros's place. Sa pagbalik ko, gusto kong wala na siya sa bahay. Can you call her? Gusto ko siyang makausap."
BINABASA MO ANG
How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)
RomanceReality show winner Skyrene Del Rio faces a new wave of problems when circumstances arise between her and Eros. Suddenly unsure if she's ready to be the bachelor's wife, will the love of Skyrene for Eros be enough for them to reach the end? *** Now...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte