CHAPTER 6
Are You Happy Now
Baby:
Done?
Nagtipa kaagad ako ng reply pagkatapos mabasa ang text ni Eros.
Katatapos ko lang mag-ayos ngayon para sa dadaluhan naming birthday celebration ng pinsan ni Trystan. Ang sabi kasi ni Eros ay ito ang unang beses na mangyayari ang ganitong malakihang party sa mansion ng mga Travieso lalo na't may sorpresa raw ang pinsan nito sa girlfriend niya.
Hindi na ako nagtanong pa dahil wala rin naman akong gagawin ngayong araw. Juliana texted me to come too dahil matagal din kaming hindi nagkita simula ng mag-umpisa ang klase.
Ako:
Yeah. Pababa na.
Parang gusto kong matawa dahil kahit pwede niya naman akong akyatin sa kwarto ko ay hindi niya ginawa at baka raw tumagal kami at hindi na makadalo sa party.
Maingat akong bumaba sa hagdan habang hawak ang stilettos na susuotin ko. Nagsitayuan ang mga lalaking nakaupo sa mahabang couch nang makita ako. Nagningning ang mga mata ni Zuben na parang ngayon lang ako nakitang nakasuot ng magara sa personal.
Umangat naman ang gilid ng labi ni Eros nang magtama ang mga mata namin.
He looked so handsome wearing his blue suit. Para kaming pinagbiyak dahil sa parehong shade ng asul na suot namin ngayon. Siya ang namili at bumili ng damit ko. Noong una ay hindi ako palagay na magkakasya sa akin ang long gown dahil hindi ko naman sinabi sa kanya ang size ko pero para iyong hinulma nang maisuot ko na. And the design! I can't believe that he has a great taste shopping for girls' clothes.
Napangiti ako nang makita ang pag-angat ng kanyang mga labi. Lumapit siya sa akin at agad akong hinalikan sa pisngi.
"Your look stunning, Sky," bulong niya sa aking tainga.
Sa paglayo niya ay inilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib at inilakad iyon hanggang sa kanyang necktie.
"You look handsome too, Eros." Pinagdiin ko ang labi ko bago haplusin ang necktie niya at iayos sa ilalim ng kanyang coat.
Pagkatapos naming magpaalam sa mga kapatid ko ay umalis na kami ni Eros. Gaya ng mga nagdaang araw ay wala pa ring pagbabago sa uwi ni Ramiel kaya nasanay na rin akong wala siya.
"Skyrene..."
Lumawak kaagad ang ngiti ko nang makita sina Juliana at Jacob pagkababa namin ng sasakyan. Gaya namin ay kararating lang din nila sa party.
"Hi!" Tinanggap ko ang yakap niya.
"It's good to see you again," bulong niya sa gitna ng pagyakap.
"It's good to see you too, Julia." Bumitiw ako at binati naman si Jacob. Gano'n din si Juliana kay Eros.
Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng malaking bahay kung saan gaganapin ang party.
"Si Asher?" Napatingala ako kay Eros nang tanungin niya si Jacob habang papunta kami sa garden area.
"I don't know."
"He's not coming?"
"Hindi ba ngayon yung trip niya abroad?" singit ni Juliana sa usapan.
Nakinig lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Iginiya kami ng isang babae sa isang pabilog na lamesa pagkalabas namin ng garden.
"I'll call him," ani Jacob at saka nagpaalam na muna.
BINABASA MO ANG
How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)
RomanceReality show winner Skyrene Del Rio faces a new wave of problems when circumstances arise between her and Eros. Suddenly unsure if she's ready to be the bachelor's wife, will the love of Skyrene for Eros be enough for them to reach the end? *** Now...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte