CHAPTER 4
Inggit
"Thank you, Miss Skyrene!"
Tumango ako at ngumiti sa freshman na nagpa-picture sa akin. Sa mga araw na lumipas ay nasanay na rin ako sa ganito. Minsan bago pa ako makababa ng sasakyan ni Eros o kahit sa jeep ay may mga taong bumabati na sa akin.
Nakakapanibago mang marami nang nagiging mabait sa akin pero mayroon pa rin namang mga naiirita. Gaya na lang ngayon...
Dineretso ko ang aking tingin nang makita ang mga pamilyar na mukha. Malayo pa lang ay ramdam ko na ang matinding galit nila sa akin partikular sa nauunang babae. Ewan ko ba. Hindi lang siguro talaga sila mahal ng mga magulang nila kaya walang pagmamahal para sa kapwa ang nananalaytay sa kanilang mga dugo.
It's been what? Two years? Hindi ko na alam.
Natigil ang babaeng lalapit sana sa akin para batiin ako dahil sa paghawi niya.
"Famous ka na pala talaga ngayon, 'no?"
Hindi ako umatras o umiwas nang tumapat sa akin ang babaeng nagngingitngit ang galit noong kumalat sa buong university ang tungkol sa relasyon namin ni Jaxel at ang pagiging malapit ko sa iba pa.
Tumabi sa gilid ko ang apat pang babaeng kasama niya. Marami na pala siyang na-recruit para magkalat ng kasamaan sa lugar na ito. I was a bit surprised by that. Uso pa rin pala talaga ang bullying sa lugar na 'to?
Kumunot ang noo ko nang makita ang pagtigas ng panga niya nang hindi ako nagsalita. Ano bang ine-expect niyang sabihin o gawin ko? I-warm hug ko siya sa leeg?
"Oo nga pala. Maliban sa natupad mo na ang pangarap mong makabingwit ng mayaman, nakuha mo pa ang puso ng mga taong hindi alam kung gaano ka ka-user. Sabihin mo nga, alam mo bang malulugi ang mga negosyo nina Jaxel kaya mo siya iniwan? Kaya mas ginusto mo 'yong mas mayaman? 'Yong hindi basta-basta mauubos ang pera?"
Kumurap-kurap ako habang inaanalisa ang mga sinabi niya. What? Ang pamilya nina Jaxel, nalugi?
Sarkastiko siyang natawa dahil sa pagkalito ko.
"Masaya ka na ba?! Ano'ng pakiramdam na nakukuha mo ang mga kaambisyunan mo?!" gigil niyang sigaw na dahilan ng pagpintig ng tainga ko.
Naikumo ko ang aking mga kamay nang makita ang tuluyang pagkawala ng masidhing galit niya.
"What the hell are you talking about? Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo, paano ka nagagalit nang ganyan sa 'kin? Isa pa, wala na akong alam sa buhay ni Jaxel. For fucks sake, he's married! Hanggang ngayon ba, bitter ka pa rin?!"
Napaismid ang mga babae sa gilid ko na tila nagulat sa pagsagot ko nang deretso sa babaeng nangunguna sa kanila.
Nanlaki ang kanyang mga mata at akmang itutulak ako pero mabilis kong nahuli ang kamay niyang umangat.
"Kendall!"
Sinamaan ko ng tingin ang dalawang babaeng pipigil sa akin kaya napaatras sila palayo.
Kasabay ng pagbalik ko ng atensiyon kay Kendall ay ang pagdiin ng mga kamay ko sa kanyang palapulsuhan. Napangiwi siya pero nanatili ang matalim na titig sa akin.
"Ano pa ba'ng pinuputok ng kokote mo, ha?! Ikaw ba si Jaxel at kung makapag-react ka, akala mo ikaw yung iniwan ko!"
"You're a user, Del Rio! Hindi lang dahil kay Jaxel ang issue rito—"
Natigil siya nang mas diinan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Ramdam ko ang pagpipigil kong hindi durugin ang mga buto niya kahit na manipis na lang ang pasensiyang natitira sa akin. I just can't believe that we're still talking about the same goddamn thing!
BINABASA MO ANG
How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)
RomanceReality show winner Skyrene Del Rio faces a new wave of problems when circumstances arise between her and Eros. Suddenly unsure if she's ready to be the bachelor's wife, will the love of Skyrene for Eros be enough for them to reach the end? *** Now...
Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte