CHAPTER 10
Proposal
"Skyrene! Dito!" Halos malula ako sa dami ng taong patuloy na sumasalubong sa akin.
Oo nga't sanay naman ako sa ganitong klaseng lugar na may maingay na paligid, malilikot na ilaw, at mga taong nagkakasiyahan pero hindi ko akalaing ang pribadong party ni Kade ay dadagsain ng mas marami pa sa dumalo sa kanyang exhibit. Of course, all of them were also from the same university. Ang iba ay mga pamilyar na ang mukha sa akin at nakabatian ko pa kagabi sa event.
Nagmamadali akong nakipagsiksikan sa kanila. Palubog pa lang ang araw kanina nang lumabas kami sa university pero ang tao rito ngayon ay parang pang-madaling araw na!
"Do'n tayo!" ganadong hiyaw ni Malfred sabay akbay kay Yael.
Nauna silang naglakad sa amin hanggang sa marating namin ang isang upuang bakante at naka-reserve talaga para sa amin.
Nang makaupo na ako ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Mabuti na lang at medyo maayos naman ang ayos ko ngayon kaya kahit paano ay pumapantay pa rin ako sa mga suotan ng nakararami. I texted Eros after I said yes to Ylona. Nag-text din naman siyang pumapayag siya kaya kahit paano'y nabawasan ang pag-iisip ko.
"Oh! Thank you!"
Ibinababa pa lang ng waiter ang mga shot ng kung anong alak ay nakuha na ni Ylona ang isa sa kamay nito bago ibigay sa akin at sa mga kasama namin.
"For Kade's success!" hiyaw niya at agad na tinungga ang kanya.
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sundin sila. Tumayo si Kade nang tawagin siya ng ilang mga kaibigan patungo sa harapan ng lahat. Nang mawala ang atensiyon ng mga kasama ko sa akin ay nakakuha ako ng pagkakataong i-text ulit si Eros at ipaalam na nasa club na kami.
Ako:
We're here. Hindi ako magtatagal, I promise.
Ilang minuto akong naghintay pero nang wala pa rin akong matanggap kahit na tapos na ang speech ng pagpapasalamt ni Kade sa harapan ay muli ko na lang itinago ang cellphone ko. He's still probably busy.
Ngumiti ako nang makita si Kade na bumalik sa lamesa at tumabi sa akin.
"Sorry hindi ko kaagad nasabi sa 'yo 'to." Sinulyapan niya sina Yael na abala sa pagsipat sa mga babaeng dumaraan. "Hindi na kasi kita nakita kagabi tapos nawala na rin sa isip ko."
"Okay lang. Hindi naman talaga ako dapat sasama."
"Why? Your parents are strict?"
Parang gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Nag-e-exist ba 'yon sa buhay ko?
Umiling lang ako at kinuha ang isang inumin sa lamesa.
"Oh, your fiancé?"
"Hindi. May pasok pa kasi ako bukas kaya nagdadalawang-isip ako. Ikaw? Wala ba kayong pasok?"
Ginawa ko ang pagsipat niya kanina sa kanyang mga kaibigan dahil parang hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya nang matagal. Nagpatuloy naman ang pag-uusap ni Ylona kaya labas kami ni Kade sa kanilang atensiyon.
"Meron."
Bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Magpupuyat kayo?"
Nagkibit siya ng balikat at muling uminom sa hawak na baso.
"I don't know. Depende, bakit? Don't tell me uuwi ka rin?"
Inubos ko ang laman ng hawak ko at muli iyong ibinalik sa lamesa.
"Yeah. Sinabi ko kay Ylona na saglit lang ako. Gusto lang in kitang i-congratulate kaya sumama ako."
BINABASA MO ANG
How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)
RomansaReality show winner Skyrene Del Rio faces a new wave of problems when circumstances arise between her and Eros. Suddenly unsure if she's ready to be the bachelor's wife, will the love of Skyrene for Eros be enough for them to reach the end? *** Now...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte