Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

CHAPTER 2

108K 2.3K 195
                                    

CHAPTER 2

Always



Para akong naliligaw sa eskwelahang pinasukan ko noon. Wala namang malaking pagbabago sa mga building pero iyong pakiramdam na parang nag-iba lahat, iyon ang nararamdaman ko.

Ang mga ngiti ko ay unti-unting napawi lalo na nang makita ang mga matang dumidikit sa akin habang naglalakad ako sa hallway.

Sanay naman akong tinitingnan noon. Mga babae rin naman ang karamihang nakatitig sa akin ngayon pero ang noo'y mga mukha ng pagkamuhi ay iba na ngayon.

Wala sa sariling napalunok ako nang lumipad ang mga mata ko sa babaeng binati pa talaga ako at nginitian.

"Hi, Skyrene!"

Tipid ko siyang nginitian at nilagpasan. Weird.

"Hi Ate Skyrene! OMG, ikaw nga!"

Muntik na akong mapatalon sa pagsulpot ng isa pang babae na sigurado akong kaka-graduate lang ng high school.

"H-hi," nahihiya kong sagot sa kanya.

Lumawak ang ngiti niya at natulala na lang sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ano'ng nangyayari?

Pumikit-pikit ako para alalahanin ang mga mukhang 'yon pero wala akong maisip na lugar o pagkakataon na nakilala ko na sila. Pakiramdam ko'y sasabog na ang utak lalo na nang nasundan pa iyon ng napakaraming pagbati.

Hindi lang ng mga babae kung hindi halos lahat ng mga nakakasalubong ko.

Doon ko lang naisip ang posibleng dahilan nang may magpa-picture sa akin.

"Miss Skyrene, pwede ba? Sige na! Idol talaga kita, e!" Hindi na ako nakatanggi nang isukbit niya ang braso sa akin at agad na inilabas ang camera bago itutok sa aming dalawa.

Hilaw akong ngumiti. Ang kaninang tahimik na hallway ay umingay dahil sa mga hiyawan at mga yapak na patungo sa gawi ko.

"I admire how brave you are! Una pa lang talaga, ikaw na ang gusto kong manalo sa show and I'm happy that you won! Nanalo rin ako sa pustahan kaya maraming salamat, idol!"

Napangiwi ako sa sinabi ng lalaking lumapit para lang sabihin ang bagay na 'yon.

"Skyrene! Sobrang humanga talaga ako sa 'yo sa tapang mo pero mas humanga ako ngayon dahil mas maganda ka pala talaga sa personal!"

"Ate, kailan na ang kasal?!"

"Baby ba muna, Ate?!"

"Talaga bang dito ka na mag-aaral o may kukunin ka lang?"

"Nagsasama na ba kayo ni Eros Vergara sa iisang bubong?!"

Bago pa ako makasagot sa mga binabato nilang katanungan ay natigil na ako dahil sa pagtabi ng isang babae sa aking gilid para sa parehong dahilan.

Halos mangalay ang panga ko dahil sa dami ng mga nagpa-picture sa akin! Hindi ko na nga alam kung ano ang iisipin ngayon. Parang mali talaga ang desisyon kong pumasok dahil hindi ko akalaing ganito ang mangyayari.

Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos para matupad na ang mga plano namin ni Eros pero malayo iyon sa ganito!

"Isa pa, wacky naman!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagliwanag ng flash ng kanyang camera. Iyon ang naging wacky ko. Naestatwa ako nang bigla niya akong yakapin pagkatapos ng dalawang picture.

"Thank you talaga, Ate Idol!"

Tuluyan na akong nilubayan ng katinuan dahil sa agaran niyang paghalik sa aking pisngi.

How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon