FLASHBACK

11K 185 14
                                    

Dahil may ibang hindi pa nakakabasa or ayaw basahin ang My husband's mistress mag bibigay ako ng maikling flashback kung sino ba si Arhen Dela peña.

----

Si Arhen Dela peña ay nagpakasal kay Hannah Mariano nang makagraduate sila ng college.

After nilang ikasal ay naging maayos at mabuti ang naging pagsasama nila ni Hannah sa loob ng apat na taon pero sa apat ma taon hindi niya napansing nagpahulog na siya sa ibang babae... Nagkaroon siya ng karelasyon habang kasal ito kay Hannah.

Dahil secretary nito ang karelasyon ay hindi na siya nahirapan pang makipagkita dito dahil lagi naman niya itong nakakasama... Hindi ito umuuwi sa kanilang bahay ng asawa niya.

Until one day, nahuli siya ni Hannah.. Pumunta sila ng babae sa coffee shop at doon napagtanto ni Hannah na may babae ang asawa niya... And worst.. She's her bestfriend... Kaybigan nilang dalawa ni Arhen ang naging kabet neto.

Dahil sa pagkadesperadahan ni Hannah na hindi mawala ang asawa niya ay pinatira niya si Jolen sa bahay nilang mag asawa.

Until nabuntis si Hannah at hindi ito naging dahilan para magpakatino si Arhen. Pinag patuloy niya parin ang relasyon niya kay Jolen.

One time nagkaroon ng out of town si Arhen at naiwan sila Hannah and Jolen sa bahay nilang mag-asawa.

Pag-uwi ni Arhen sa bahay nila ay wala siyang naabutang asawa o kahit ang mistress niya.. Ang tanging naabutan lang niya ay ang mga dugong nasa lapag ng baba ng hagdanan nila.

2 years after, hindi parin mahanap ni Arhen si Hannah at tuluyan naman siyang nakipag hiwalay kay Jolen pero sa kabila ng pakikipag hiwalay niya ay ang patuloy na pagdikit sa'kanya ni Jolen.

Isang party ang dinaluhan niya at ni Jolen. Laking gulat nilang dalawa ng makita nila doon si Hannah at ang kamerging neto na company na si Thormire Villamore... Ang sikat na may ari ng Villamore Company at Villamore Village.

Lalong nagulat ito ng malamang mag fiance na ang dalawa. Kinwestion ni Arhen kung bakit nawala ito at kung nasaan ang anak nila. "Wala na ang anak natin" tanging sagot lamang ni Hannah.

Months after, nalaman niya ang ginawang kademonyohan ng kanyang Mistress na si Jolen. She tried to kill Hannah and his baby pero hindi ito gaanong nagtagumpay dahil nabuhay si Hannah at ang anak netong lalaki ngunit ang kakambal netong babae ay hindi na nabuhay pa.

Nakulong si Jolen habang si Arhen naman ay napag-alaman na may sakit itong Luekemia. Inilabas niya ang anak niyang lalaki at doon may hindi magandang pangyayari... Nasagasaan si Prince Skyler..

Napag-alaman nilang lahat na si Jolen ang sumagasa sa anak nila. Napag-alaman din nilang nakipag kasundo si Jolen sa isang nakakataas na pulis kaya ito nakalabas ng kulungan. At doon din nila nalaman na may sakit na ito sa pag iisip.

Months after, tuluyang nakulong si Jolen habang si Arhen naman ay unti-unting gumagaling dahil narin sa suporta ng kanyang dating asawa at ng kanyang pamilya.

After 1 year, kinasal sila Hannah at Thormire.. 4th Birthday ni Prince Skyler at may hindi magandang nangyare.

Nakatakas si Jolen sa isang mental institute. Kinidnap neto si Prince Skyler at pinapunta sila Hannah at Arhen sa lugar kung saan niya dinala ang anak ng dalawa. Ang hindi alam ni Hannah ay alam ni Jolen na buntis ito kay Thormire.

Habang nasa isang lumang building silang apat nila Prince Skyler, Hannah, Jolen at Arhen ay pinalibutan ito ng mga pulis kasama si Thormire. Mabilis naman itong nahalata ni Jolen.

Mabilis niyang pinaputukan si Hannah sa tapat ng tiyan niya ngunit sinalag ni Arhen ang isang bala at nasundan pa ng anim na bala na ikinamatay niya.

---
Tulad ng sabi ko, maikling flashback lang haha.

Don't forget to vote and comment. Lovelots.
-SmileRaine

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now