ELEVEN : ONE WEEK

1.6K 54 4
                                    

AARHON'POV

Tulad ng nangyare ay nalines na ang pangalan ni Gabrielle. At napunta na kay Patricia ang atensyon at pang babash na nakuha niya noon. Isang araw pa lang ang lumilipas matapos mag post ng ganoong video ang pinsan niya ay hindi na namin siya nakita pang malungkot, tila mas naging masaya pa siya lalo na matapos lang ang 24 oras na paggising ni manang ay nakalabas na din ito ng hospital. Nakangiti ko naman silang inihatid sa condo ko na ireregalo ko na lang sakanila.

"B-akit tayo nandito?" Tanong ni Gabrielle. Nginitian ko lang siya at dahan-dahang ibinaba si manag sa sasakyan ko. Ibinaba naman ni Gab ang wheel chair ni manang at isinakay siya doon. Ako na rin ang tumulak sa wheel chair. Pumunta kami sa elevator at saktong bumukas ito kaya sumakay na rin kami.

Paglabas namin sa elevator ay panay parin ang tanong ni Gab pero nanatili akong tikom. Ayaw na rin kasing pagtrabahuhin ni dad si manang kaya nag prisinta na lang akong ibigay ang condo ko, agad namang pumayag si dad at binilhan ako ng panibagong condo na katapan lang ng unit nila ang unit na binili nito.

Pagpasok namin sa condo ay marami na ring nabagong gamit. Ang mga gamit ko ay inilagay ko sa unit ko't bumili ng panibagong gamit nila. May grocery na rin akong nilagay.

"This is too much" Turan bigla ni Gab. Ngumiti ako. Inihinto ko na rin ang pagtulak sa wheel chair ni Manang nung nasa may sala na kami.

"Tanggapin mo na lang. Don't worry, this is not a big deal. Tulong ko na rin to para sa fast recovery ni manang Felicia." She smiled kaya naman nakampante na ako dahil alam kong tatanggapin na niya ang alok ko.

"Nasa tapat lang ng uniti niyo ang unit ko, if you need something.. Puntahan mo na lang ako doon." Tumango ito. Hindi ko na inintay pa ang sasabihin niya't lumabas na ako ng unit nila.

                         •••••

Naalimpungatan ako ng biglang may nag doorbell. Kahit inaantok pa ay nagawa kong tumayo sa pagkakahiga ko't lumabas ng kwarto.

"Gabrielle?" Tila nawala ang antok ko ng malaman ko kung sino ang nasa likod ng pag doorbell sa unit ko. Ngumiti itong ipinakita sa'akin ang hawak niyang tupperwear na may lamang ulam.

"H-i. Naisip ko lang na baka hindi kapa nag didinner." Doon ay napatingin ako sa relo ko. I frown ng mapagtanto kong 10 na ng gabi.

"Y-eah. H-indi ko napansin ang oras" Sagot ko habang naiilang dahil narin sa hindi makapaniwalang nararamdaman ko. Malako ang parte ng puso ko ang natutuwa.

"Hindi mo man lang ba ko papapasukin?" Tanong netong bigla kaya naman nataranta akong pinapasok siya. Natatawa naman itong pumasok sa unit ko.

"Oh? Nilipat mo dito mga gamit mo?" Hindi makapaniwalang turan neto.

"Naalala mo pa mga gamit ko?" Namamanghang tanong ko. Of course na nakakagulat na tanda pa niya. Dahil isang beses lang naman siyang nakapasok sa unit ko before.

"Oo naman. Matandain kasi ako" Nakangiting turan neto. Pumunta siya sa kusina at pinaghain ako.

Habang kumakain naman ako ay panay lang ang sulyap ko kay Gab na naglilibot sa kusina ko.

"I still remember this things. Itong ito parin yung mga gamit noon. Bakit hindi ka bumili ng bago?" Tanong neto. Hindi na sana ako sasagot pero tiningnan ako neto. "Bakit?"

"I want to keep the things will remind you" Simpleng salita ko na nakapag pawala ng ngiti niya.

"K-ahit na nagawa kitang gamitin?" Tanong neto. Nagpatuloy ako sa pagkain at nang matapos ko ang kinakainan ko ay nag prisinta itong maghugas ng pinggan. Hindi naman na ako tumangi dahil ng magtangka akong tanggihan ito ay sinabi niya agad na sa gaanong paraan na siya makakabawi.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now