NINETEEN : WITHOUT YOU

1.3K 57 3
                                    

GABRIELLA'POV

"Congrats" Salubong sa'akin ni Jacob matapos ang makapagdamdamin naming performance sa theatro.

Isang linggo na din ang nakakalipas simula nung huling usap namin ni Aarhon. Ginagawa ko namang ayos ang buhay ko kahit na hindi ko kinakaya dahil kahit naging ganoon kami nung huli ay nasanay parin akong siya yung lagi kong kasama.

Sumali ako sa theatro para malibang lalo ang sarili ko. Alam ko kasing isa sa mga araw na to ay aalis na si Aarhon, gusto kong pag nalaman niyang sumasali ako sa mga school program ay maging proud lalo siya. Na kahit wala na kami, gusto kong ganun parin siya sa pag-aaral ko.

"May tumatawag ata sayo" Turan ni Jacob. Kinuha ko yung cellphone ko at sinagot ang tawag ng mabasang si Febbie ito.

"Hello Febbie."

"Hi Gab. Punta ka mamaya kila Aarhon ah?"

"Anong meron?" Sabay tingin ko kay Jacob. Nag aayos ito ng gamit ko na ginamit kanina.

"Despedida nila ni Raient. Aalis na sila bukas ng hapon."

"G-anun ba? H-indi ko pa alam."

"Iintayin ka namin. Lalo na ni Aarhon."  Salita neto bago pinatay ang tawag.

"Sino yun?" Lumingon ako dito bago tuluyang lumapit sa'kanya.

"Si Febbie, kaybigan ni Aarhon. She's telling me na umattend ako sa despedida nila Aarhon at Raient. Bukas na daw ng hapon sila aalis"

"Pupunta ka?" Tanong netong nakasunod sa'akin ng magsimula akong maglakad palabas ng auditorium.

Hindi ako sumagot. Hindi ko pa din kasi alam kung dapat ba akong pumunta o hindi na.

PAG-UWI namin ay kapansin pansin ang kawalan ko ng gana. Hindi na din naman nila ako kinausap ng sabihin sa kanila ni Jacob kung anong nangyare sa araw na yun. Nung kinagabihan ay dinalhan nila ako ng pagkain na siyang kinain ko naman.

"Jacob?" Tawag ko dito ng makita ko siya sa sala nila na nagbabasa ng magazine.

"Aalis ka?" Salita neto nang mag angat ito ng tingin sa'akin at makita akong naka-pants at nakat-shirt

"Pupunta ako." Nahihiyang salita ko. Ngumiti ito.

"Samahan kita?" Nakangiting tanong neto pagkatapos ay inilapag ang magazine sa maliit na table sa gilid ng upuang inuupuan niya.

"Oo sana." Nahihiya muling sagot ko.

"Sure. Magbibihis lang ako." Turan neto.

"W-ag na. Okay na yan. Gwapo kana masyado" Kunwaring tawa ko.

"HaHa. Tara na nga." Salita neto bago ito naglakad palabas ng bahay, nakasunod lang naman ako sa'kanya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Nang biglang magsalita si Jacob.

"Saan ba gaganapin? Baka gusto mong sabihin ang address?" Natawa naman ako sa sinabi neto. Alam kong gusto niya lang pagaanin ang sitwasyon.

"Loko ka talaga." Umiiling na turan ko pero sinabi ko na din ang address na tinext kanina sa'akin ni Febbie na siyang nagpabago sa isip kong pumunta.

"Kinakabahan ako." Biglang turan ko.

"Bakit naman? Hindi ka naman bibitayin doon." Nagbibirong turan neto.

Hindi ko din kasi nabanggit sa'kanya ang pakiusap ni Aarhon na intayin ko siya ng isang taon. Hindi ko pa din naman kasi alam kung iintayin ko pa ba siya lalo na't walang kasiguraduhan yung nararamdaman niya. Kasi naniniwala akong kung talagang mahal niya pa ako, nung oras na nakipag hiwalay ako sa'kanya dapat narealize na niya iyon.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now