EPILOGUE

4.1K 91 13
                                    

AARHON'POV

After 10 months (February 14, 2020)

"Hingang malalim misis pag katapos ay isang malakas na iri... 1...2...3 ire!" Doctor

"Aaaaaahhhhhh" Malakas na sigaw ng asawa ko. Magkahawak ang aming kamay habang siya ay nakahiga sa kama, siya ay kasalukuyang nanganganak sa ikalawa naming anak.

"Isang iri na lang misis. Ire!" sigaw ng doctor.

"Aaaaaahhhh"

"Huwaaaaah! Huwaaaaah!"

Nagkatinginan kaming dalawa ng isang iyak ng isang munting angel ang bumungad matapos ang ilang pag ire ng aking asawa. Matapos ang 9 na buwang pag bubuntis at 2 araw na pag lalabor ay natapos din ang kanyang pag hihirap.

2months ago ng kami ay ikinasal sa simbahan kung saan ako ikinasal noong unang buhay ko bilang isang Aarhen Dela peña. Hindi man ako naging mabuting asawa kay Hannah, sisiguraduhin kong buong buhay kong mamahalin at pagsisilbihan ang asawa ko.

Yes, 7months pregnant si Gab noong ikinasal kami. So what kung malaki tiyan niya? Sobrang proud ko nga nung panahon na yun dahil dala niya ang bunsong lalaki namin, na sana ay masundan pa haha.

Nung gabi matapos naming magkaayos ay nakapag pasya kaming magsama na, hindi man kami kasal noong una ay ganoon parin ang naging pasya namin.

Binawi namin ang ilang taong pagkakawalay sa isa't isa. Hindi kami nawalan ng oras sa bawat isa at kahit minsan ay hindi na ako nakaramdam pa ng kahit na anong panlalamig kagaya noong unang relasyon naming dalawa.

Masasabi ko na lang siguro na, ganito talaga maglaro ang tadhana. Kahit gaano niyo kamahal ang isa't isa, susubukin ang tatag sa relasyon niyo at kung sino ang magpapadala? Siya ang talo.

Mabuti na lang siguro na ganoon kaming kabaliw ni Gab sa isa't isa, dahil kahit paanong magkamali kami sa mga desisyon namin noong una, nauwi parin kami sa isa't isa.

2012 nang makipag kasundo ako sa tadhana pero masasabi kong 2019 ko lang siya nakumbinsi na si Gabriella Isabela ay para lang sa Amonte... Para lang kay Aarhon Amonte.

The end.

Unang una, gusto kong mag thankyou sa mga nanatili simula sa unang chapter ng story na to hanggang sa dulo.

Pangatlong story ko na tong natapos at sana hindi ko kayo nabigo sa katapusan neto.

Next story ko po ay hindi ko pa alam kung anong uunahin ko, kung The Mistress or yung Called Love. Pero sad to say, titigil muna po ako ng ilang buwan siguro. Ipapahinga ko lang po yung mind ko kasi bumabalik sa dati yung pagiging tulala ko. Sorry po.

Naka-abang na din yung "Meet her Karma" Version ito ni Allie Crimy na anak nila Hannah and Thormire.

Kung may tanong po kayo, feel free to ask. Wag mahiya. Sasagutin ko mga tanong niyo pag nag update ako ng mga cast.

Muli, salamat po sa patuloy na suporta. Hanggang sa susunod na story ko!

Don't forget to vote and comment. I love you SMILERS!

-SmileRaine.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now