FIVE : MISSING HER

2.3K 72 3
                                    

AARHON'POV

It's been 1 month since the night we talked. After that night ay hindi na nasundan pa. Bumalik ako ng ilang ulit sa park pero hindi ko na siya nakita pa doon.

Ang isang linggo na lumipas ay tila nabago ang pagkatao ko. Ang alam kong wala na siya sa pinas at ang posibilidad na hindi ko na siya muling makita ay malabo na at kung babalik man siya paniguradong matatagalan ng husto or meron na siyang karelasyon.

"Hey girls" Tawag ko sa dalawang babaeng pinangakuan ko nung nakaraang linggo na mag de-date kami. Oo dalawa silang pag sasabayin ko. Why not diba?

"A-arhon" Nautal na salita nung isa.

"What's your name by the way?" Tanong ko.

"I-m Micka" Turan neto. Nakipag kamay naman naman ako at hinalikan ito sa pisnge.

"I'm Candice" Turan neto. Maganda si Candice at masasabi kong mas type ko siya kay Micka. Tulad dito ay nakipag kamay ako at hinalikan ko ito sa bandang gilid ng labi niya. Naramdaman ko pa ang pag hawak neto ng mahigpit sa kamay ko.

"Nice to meet you girls. Let's go?" Tanong ko. Tumango naman silang parehas at inaya ko na silang maglakad papuntang parking lot.

Kakatapos lang din kasi ng class namin ngayong araw. Wala pa kaming pasok bukas kaya naman ngayon ko sila inaya dalawa.

Nung nasa parking lot na kami ay nauna akong sumakay sa driver seats. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang sila ay nag aagawan kung sino ang uupo sa front seat. Lumabas ako ng sasakyan at nilapitan silang dalawa.

"Hey what's wrong?" Tanong ko habang nakakaramdam ng ines.

"Eto kasing si Candice. Sabing ako na uupo sa front seat eh" Turan ni Micka. Tumango naman ako at ngumiting tumingin kay Candice.

"G-usto kasi kitang makatabi eh" Namumulang turan neto. Kinurot ko naman ang pisnge neto kaya rinig ko ang pag protesta ni Micka.

"Parehas ba kayong sanay mag drive?" Tanong ko. Umiling si Candice.

"Ako sanay ako." Natutuwang turan ni Micka. Ngumisi ako at binuksan ang pintuan sa likuran. Naguguluhan namang nakatingin sa'akin ang dalawa.

"Ikaw Micka, mag drive ka. And you Candice, sa tabi ka ni Micka. Ako? Dito ako sa likod" Turan ko bago isinara ang pintuan pero ng makita kong tila nag babangayan na naman sila ay binaba ko ang bintana. Napatingin naman sila sa'akin.

"tara na bago pa ko tamarin"

Tila nagulat naman sila sa sinabi ko kaya nagmadali silang sumakay sa sinabi kong pwesto nila. Pagkasakay ni Micka sa driver seat tinanong niya agad ako kung saan kami kakain, sinabi ko naman ang paborito kong restaurant. Mabuti na lang at alam niya iyon.

Pagdating namin sa restaurant ay pinagtabi ko na lang din silang dalawa ulit at ako naman ay umupo na harapan nila. Nang makapag order at maibigay ang mga iyon ay tahimik lang akong kumain habang ang dalawang kasama ko ay halos hindi makakain dahil ramdam ko ng tingin nilang dalawa. Bigla ko silang nilingon, nag baba naman silang dalawa ng ulo.

"Tsk. Matutunaw ako niyan girls" Sabay ngisi ko. Gulat na napalingon naman sila sa'akin habang ako ay muling nagpatuloy ng pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa mall at gumala. Nilibre ko rin sila ng gusto nilang bilhin habang ako naman ay nakatingin lang sakanila.

Hanggang kalaunan ay parehas ko na silang inihatid. Ako na rin ang nag drive, silang dalawa naman ay nakaupo na sa likod.

"saan nga pala kayo?" Tanong ko. Sinabi naman nila kung saan sila nakatira. Good thing na madadaanan namin ang bahay ni Micka kaya napag desisyonan ko na siya na lang ang unang ihatid. Napangisi rin ako.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now