TWENTY FIVE : FINALLY MET AGAIN

1.5K 55 2
                                    

AARHON'POV

After nang insidenteng nangyare sa magkabilang kampo ay nagkasundo na tatanggalin ng kabilang restaurant ang menu na kinopya nila sa'amin. Hindi naman na ako nakipagtalo pa, ang gusto ko lang naman ay maayos na ang problemang iyon para magawa ko na ang gusto ko.

Oo, gusto ko ulit pumunta ng paris para makita ko na ulit si Gabriella. Hindi ako mapakali pag ganitong hindi ko siya nababantayan, call me obsses but i don't care anymore.

"Sir, may problema po tayo sa branch natin sa quezon city." Bungad sa'akin ng manager na ina-sign ko sa restaurant namin sa quezon.

"Wala ba si dad diyan?" Tanong ko.

"Wala po sir. Nasa America po siya." Napahilot na lang ako sa sintido ko. Bakit kasi ngayon pa nagsunod sunod ang problema? Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas nung about sa menu ngayon naman ay sa ibang branch naman namin? Damn it!

"Sige. Send me the details. Pupunta na ko diyan mamayang gabi, may tatapusin lang akong reports." Turan ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Agad ko namang tinawag si Candice para bilinan.

"Diba next week na ang flight mo papuntang italy?" Tanong neto. Tumango ako.

"Pero kaylangan kong unahin to, gusto kong mabantayan si Gab pero ayaw kong may masama silang masabi sa pamumuno ko sa ginawa at tinayo nila dad. Ayokong mapahiya sila dahil sa kapabayaan ko." Paliwanag ko. Ngumiti ito kaya nag salubong ang mga kilay ko. "Bakit?"

"Gabriella is really proud of you. Kahit ganito sitwasyon niyo, lumalaban parin kayo sa nararamdaman niyo." Turan neto.

"Ako na lang ata yung lumalaban." Ngumisi ako.

"Lumaban naman siya ah? Pinaglaban ka niya hanggang sa huli, napagod lang siya at inakalang hindi na to mangyayare... Yung maalala mo siya. Ilang taon siyang lumaban para sainyo, pinanghawakan niya yung pagmamahalan niyo sadyang bumitaw siya kasi akala niya tapos na... Na hanggang doon na lang. Hindi ko alam kung sobrang sama ko na ba talaga" Tumawa ito. "Pero masaya ako para sainyong dalawa. Sooner or later, sasaya na talaga kayo. No more heartbreak." Tumango ito at lumabas na ng office. Naiwan naman akong nakaupo at may ngiti sa mga labi.

"Im excited" Salita ko sa sarili patungkol sa huling sinabi ni Candice sa'akin.

Tulad ng sinabi ko kanina, pagkatapos ng work hour ko ay bumyahe na din ako papuntang quezon city isinama ko na din si Mark para siya ang mag drive kung sakali mang antukin ako dahil na rin sa pagod.

Nakarating kami ng 12am, ilang oras na lang din ang binyahe namin dahil hindi na traffic sa ganitong oras, almost 3hours din ang byahe namin kaya ginusto na lang muna naming magpahinga sa rest house namin ni daddy. Dito din siya tumutuloy pa siya nag pumupunta sa restaurant namin dito sa quezon.

"Maaga pa tayo bukas. Magpahinga kana sa guest room. Good night tol" Tinapik ko ito sa balikat bago dumeretso sa kwarto ko.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising para magluto ng almusal. Itlog at hotdog maging ham ang niluto ko, nag luto din ako ng kanin incase na gustohin ni Mark kumain ng kanin, mahilig kasi ito sa rice.

"Anong oras tayo pupunta don?" Tanong neto.

"After 1 hour?" Sagot ko.

Si Mark Russel ay nag mamay-ari ng isang malaking farm, minana niya ito sa lolo niya na namatay nung bata pa siya kaya daddy niya muna ang namaha. Nang makagraduate ay napagdesisyonan niyang siya na ang magpatakbo neto lalo na't ang dad niya ay mahina na. Madalas na itong ma-hospital dahil na rin sa diabetic ito.

Ang farm na ito ay may mga alagang manok, baboy, baka. At halos lahat ata ng gulay ay meron sa farm na ito. Kaya naman sa kanila na kami kumukuha ng produkto mula noon. Bukod kasi sa kaybigan namin ang family nila ay talagang bagong ani ang mga binebenta nila sa'amin.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now