TWENTY : HE'S BACK

1.4K 54 10
                                    

GABRIELLA'POV

Two months, two months na lang pala ay babalik na si Aarhon. Nabuhay muli ang kasiyahan sa dibdib ko, totoong saya na ilang buwan ko ng hindi nararamdaman. Sa bawat araw na dumadaan at napapalapit lalo ang araw na pagbalik niya ay naeexcite ako. Andiyan yung hindi ako makatulog sa gabi sa kakaisip kung paano ko siya sasalubungin sa mismong araw ng pagbalik niya.

"Napuyat ka na naman?" Tanong ni Jacob. Papunta na kami ngayon sa school ko. Simula na ng unang araw ng 2nd sem ko kasi, nagkaroon kami ng 2weeks break tapos ay simula na ulit ang klase.

"Oo eh" Nakangiting sagot ko.

"Excited kana talagang makita siya no?" May kalungkutan na tanong neto pero hindi ko iyon pinansin. Tumango akong nakangiti parin.

"Oo. Gusto ko na ngang hilahin yung araw para mapabilis ang pag uwi niya. Baliw na ba ko?" Tanong ko.

"Oo. Baliw kana" Deretsong salita neto na ikinatawa ko, masaya lang talaga ako. "Paano kung hindi kana niya mahal kaya hindi ka niya kinontak pa, 2months ago?" Biglang tanong neto na nakapag pawi ng ngiti ko. "Kaya mo na ba siyang i-let go?" Muling tanong neto. Tumimgin ako dito pero ito ay patuloy lang sa pag dadrive.

"Hindi ko pa alam eh. Hindi ko pa iniisip kung ano bang gagawin ko kung sakaling ganun nga yung nararamdaman niya" Dahan dahang sagot ko sa kawalang gana dahil sa sinabi neto.

"Let go if you need to and hold if he still want you. Wag mo na lang kalimutan na nandito pa ako. Nag-iintay pa rin akong magbago ang desisyon mo sa'kanya." Sinserong salita neto.

"Jacob."

"Andito na tayo" Salita neto. Hindi ako neto nilingon, kaya naman tumango ako't lumabas na ng sasakyan niya.

Buong araw ay inisip ko ang sinabi sa'akin ni Jacob, nung ilang buwang pag-alis ni Aarhon umamin siya sa'akin na willing siyang intayin ako. May kasiguraduhan man o wala. Nagiguilty ako dahil siya ang saksi sa lahat ng hinanakit ko noong umalis si Aarhon sa bansa. Pinipilit kong ituon sa'kanya ang atensyon ko maging ang nararamdaman ko pero si Aarhon parin talaga ang mahal ko, kung pwede lang turuan ang nararamdaman... Sisiguraduhin kong ibabalik ko ang kung ano pa mang feelings na meron ako sa'kanya noong bago ko pa makilala si Aarhon.

Biglang sumagi din sa isip ko ang sinabi niya kanina na paano kung hindi na ko talaga mahal ni Aarhon kaya hindi na niya ako kinausap 2months ago. Iniisip ko pa lang parang sobrang sakit na, no. Hindi parang kasi sobrang sakit talagang isiping hindi na niya ako mahal. Pero ano nga bang magagawa ko kung hindi na? Diba wala naman? Wala kong magagawa kundi kalimutan na siya.

Inalala kong muli ang unang kita naming dalawa na siyang unang beses din na nagtalik kami. Hanggang ngayon ay wala parin akong pinag sisisihan na ibinigay ko sa'kanya ang pagkababae ko, dahil sa'kanya ay nakasama ko ang mama kong inakala kong nasa paris. Nakapag-aral din ako ng dahil sa'kanya. At napatunayan ko na din kung gaano niya ako kamahal, hinanap niya ako at inintay ng isang taon dahil sa pagtatago ko dahil sa viral na yun. Ano ba naman yung isang taong pag-iintay ko rin sa kung ano bang totoong nararamdaman niya para sa'akin diba? Hindi ko alam kung paano pero pakiramdam ko ay mahal niya parin ako kaya naman hindi ako nauubusan ng pag-asa.

Pagkatapos ng klase ko ngayong araw ay dumeretso ako sa Gab's SPA para tumulong kay mama sa pag mamanage neto o kahit na anong maitutulong ko. Hindi na din ako nagpasundo muna kay Jacob dahil gusto ko munang mag isip sa sinabi neto kaninang umaga pati susunduin din naman  niya kami pag magsasara na.

Pagdating ko doon ay agad akong nagpaturo kung anong dapat gawin at kung anong available. Dahil sa hindi ako marunog sa pag SPA etc ay tinuruan na lang ako sa counter. Ilang araw pa lang ang SPA pero madami na agad costumer.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now