TWENTY THREE : WRONG TIMING

1.3K 52 2
                                    

AARHON'POV

"Mahal mo ko Aarhon! Ako yung mahal mo! Sinabi sa'akin lahat ni Raient ang lahat lahat! Na bago ka maaksidente, naamin mo na sa sarili mong mahal mo parin ako! Kaya ako yung mahal mo! Paniwalaan mo naman ako!" Umiiyak na pag mamakaawa neto sa'akin. Napapikit ako dahil hindi ko malaman kung bakit nasasaktan akong makita siyang nasasaktan.

Sobrang nanghihina ako to the point na hindi ko siya magawang lingunin, nanatili akong nakatalikod dito bago nagsalita.

"Kung talagang mahal pa kita bago ako maaksidente, bakit hindi kita maalala? Sabi kasi diba nila? Kung mahal mo ang isang tao, kahit magkaamnesia kapa. Isip mo lang ang tanging nakakalimot pero hindi ang puso mo. Pero bakit wala akong maramdamang kahit na anong katiting sayo? Isipin mo nga? Mahal pa nga ba talaga kita bago ako makalimot?"  Mahabang salita ko bago nagkalakas ako ng loob na lumabas ng unit.

Hindi ko gaanong nasarado ang pinto, nanatili akong nakatayo sa labas ng unit hanggang sa narinig ko ang paghagulgol niya.

"Umalis kana dito." Biglang may nagsalita sa gilid ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang lalaking kasama ni Gabriella kahapon sa welcome party ko.

"Y-eah." Tanging nasabi ko matapos at naglakad na ako papunta sa elevator. Pero natigil ako sa pag-lalakad ko ng marinig ko itong nagsalitang muli.

"Sana ito na ang huling pagkikita niyo. Ilalayo ko na siya sayo, sa ayaw at sa gusto mo." Salita neto. Naguluhan man ako ay tila nawalan ako ng gana na tanungin pa siya. Nanatili akong nakatayo doon hanggang sa marinig ko ang pag sara ng isang pinto, alam ko sa sarili kong ang unit na pinanggalingan ko ang nagsarang iyon.

"Saan ka galing?" Tanong ni Candice sa'akin. Nakatayo ito sa labas ng pinto sa bahay ni daddy. Dito kasi muna ako tumutuloy pansamantala habang hindi ko pa maalala ang lahat.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ko kay Gabriella. Biglang natanong ko rin ang sarili ko, paano kung totoong mahal ko nga siya bago ako maaksidente?

"Aarhon?" Biglang tawag sa'akin ni Candice kaya bumalik ang wisyo ko sa realidad. Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisnge.

"Kanina kapa?" Tanong ko.

"W-hat? Haha. Oo, sinalubong nga kita kaso mukhang masyadong malalim ang iniisip mo para hindi mo ako mapansin." Ilang na ngiti neto. Nagulat naman ako sa sinabi neto kaya para makabawi ay niyakap ko ito at inaya na sa loob ng bahay.

"Kumain kana ba?" Tanong ko. Tumango ito.

"Yes. Nandito lang ako para tanungin ka kung anong theme ng wedding natin? Iyon na lang kasi ang kulang eh. Nakapag set na din tayo ng date, kaylangan na lang natin ng place. Meron kana bang naiisip?"

"Y-es." Turan ko. Pumasok na kami sa loob ng bahay at pinag-usapan namin ang tungkol sa lugar at sa ilang plano ng kasal namin.

MABILIS na lumipas ang isang buwan at maayos naman naming naayos ang preparation ng kasal. Pero halata sa'akin ang kawalan bigla ng excitement.

Andiyan yung napapatulala ako at malalim ang iniisip, hindi ko ikakaila na si Gabriella ang iniisip ko. Sa mga sinabi at sa kung anong kirot ang nararamdaman ko tuwing naalala ang mga masasakit na sinabi ko sakanya. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang kirot na yun pero isa lang ang masasabi ko, sobrang sakit neto.

Nasa isang VIP ng isang isat na resto bar kami ngayon ng mga barkada ko, sila Raient, Mark, at Darius. Umiinom kami dahil na rin sa ikakasal na ako bukas. Mga lasing na din sila Mark at Darius dahil sa dami ng nainom. Kanina pa kasi kaming 7pm dito at 10 na nang gabi, hindi nila ako gaanong pinapainom dahil maaga pa ako bukas.

"Grabe no? Parang dati patay na patay ka kay Gabriella tapos kay Candice ka lang pala magpapakasal?" Tumatawang salita ni Darius. Kumunot naman ang noo ko dahil wala talaga akong maalala.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now