TWENTY EIGHT: NICE TALKING TO YOU AGAIN

1.5K 53 4
                                    

AARHON'POV

Hindi na nga nagtagal ay inilibing na si manang. Naging madalas ang pagiging tahimik ni Gabriella bago dumating ang araw na yun, at kahit isang beses ay hindi ko man lang siya nakausap.

Naging tahimik din ang pag-iyak neto at walang nasa tabi niya kundi si Jacob. Naiines ako, gusto kong kuhanin ang dapat saakin pero hindi ko magawa. Natatakot akong baka ipagtabuyan niya ako. At mas natatakot akong malaman na hindi naman na talaga siya sa'akin.

"Ella, Let's go." Napalingon ako kay Jacob ng bigla itong magsalita. Kumunot ang noo ko.

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban yan? Namatayan ako, Jacob." Mahinang salita neto pero rinig ko. Kasama ko si Febbie at Raient.

"This is your mother wants. After 1year pa ulit ang oportunity na to. Mag-iintay ka na naman ba? Tama na yung isang taong na-delay ka." Tila naiines na turan neto pero nasa tono neto ang pang-unawa.

"Oo na. Hindi naman kasalanan yung nangyare noon, Jacob. Kala ko ba naiintindihan mo ko? Bakit parang nanunumbat ka?" Nagkatinginan kaming tatlo na puno nang pagtataka. Kahit kasi nagbubulungan sila ay naririnig namin, bukod kasi sa sobrang tahimik sa cemetery ay wala pang tao Bukod saamin.

"Its not like that. What i mean is, eto na ulit yung opportunity, ito na lang din ibigay mong regalo kay tita. Paniguradong mas sasaya siya kung nasaan man siya."

"Fine. Tara na, baka mahuli pa tayo sa flight. Gusto ko na din makabalik doon."

Tumalikod ito at saktong nagkatinginan kami, napa-ayos naman ako ng tayo. Magsasalita sana ako upang kausapin ito pero agad niyang iniiwas ang kanyang tingin bago naglakad papunta sa sasakyan nila.

"Iniiwasan niya ko talaga." Turan ko, nilingon ko sila.

"Tingin ko may hindi sila sinasabi" Febbie.

"Napansin ko din yun. May tinatago sila." Raient. Kumunot ang noo ko.

"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero feeling namin may hindi sila sinasabi. Diba sabi mo nagkita kayo noong huling balik mo sa paris? Anong nangyare?" Febbie.

"Something happen between me and Gab. You know?" Patanong ko.

"Paano kung nagbunga yun? Kaya na-delay yung sinasabi ni Jacob?" Febbie. Bigla naman akong napaisip sa sinabi neto. Nagawa ko pang lingunin ang puntod ni Manang Felicia.

"Hindi siguro." Sagot ko.

"Paano mo nasabing hindi? Natakot ka ba sa responsibilidad?" Tanong ni Raient.

"No. Kasi kung nabuntis ko nga siya, edi sana kinausap niya ako? 2years na nung huli, bakit hindi nila sinabi? Kahit nitong mga nakaraang araw?"

"Tama ka naman. Tara na. Kaylangan nating magpahinga." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Tumingin pa ko ng ilang minuto sa puntod ni manang bago nagpasyang umalis sa lugar na iyon.

Isang linggo ang lumipas, nabalitaan ko na lang kila Febbie na bumalik na sila Gab sa Paris pero hindi kasama ang mama ni Jacob kaya bigla akong naalarma. Kaya agad kong pinuntahan ang mama no Jacob para magtanong.

"Bakit hindi po kayo sumama sa pagbalik nila?" Tanong ko. Nakangiti naman ito. Siya na din kasi ang bagong nagbabantay sa spa na pinatayo ni Manang Felicia apat na taon na nakakalipas.

"Napag desisyonan kasi namin na ako na muna mamamahala dito habang wala pa si Gab. May ite-take pa kasi siyang test to became a professional designer. Mga 3months pa yun." Paliwanag neto. Tumango ako.

"Anong meron po sa'kanila?"

"Magkaybigan sila simula pa noon. Kaya sana wag mong bigyan ng malisya." Muling salita neto bago ako tinalikuran, wala naman akong nagawa kundi ang umalis na lang sa lugar na iyon.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now