TWENTY NINE : REVELATION

2K 61 6
                                    

AARHON'POV

Tumuloy kami sa isang hotel sa isang beach sa batangas. Doon kasi napag-usapan na ikasal. Wala naman kaming naging problema sa lahat ng gastusin dahil maging si dad ay tumulong lalo na't ninong ito.

Ako ay nasa isang hotel room na sinagot nila Raient. Gusto ko ngang ako na lang ang gumastos ng sarili kong room pero hindi sila pumayag.

Alam kong nasa hotel din na ito si Gabriella pero hinayaan ko na lang muna siya lalo na't alam kong busy ito dahil siya ang designer at organizer ng kasal nila.

Nakita ko na din si Jacob habang kasama neto ang babaeng anak niya, napag-alaman ko din na hindi Iris Selene ang pangalan ng anak nilang babae kundi Jamie Angeles Borja ang pangalan neto. Parang nasa 1 year old na ito kahit na 9months pa lang naman talaga ito.

Bukas na ang kasal nila Raient kaya naman andito sa kwarto ko si Raient at nang-gugulo sa'akin. Hindi sila pwedeng magkita bago ang kasal, ayon daw sa sabi-sabi kaya naman sinusunod nila wala naman rin kasing masama kung susundin ang ganong nakagisnan.

"Hindi ata ako makakatulog" Turan ni Raient. Umiling na lang ako pero hindi na ito pinansin pa. "Pre, kasal kona bukas bakit ayaw mo kong kausapin?" Tanong neto pero hindi ko ulit to pinansin. "Tangnamo pre, isang buwan akong mawawala pag katapos ng kasal namin, hindi mo man lang ba ako mamimiss?" Muling tanong niya.

Tumingin ako sa'kanya at ibinaba ang laptop ko. "I have an idea" Sagot ko. Tila nagliwanag naman ang mata ng gago kong kaybigan. "Wag kana lang mag pakasal" Seryosong turan ko.

"F*ck you ka. Tagal kong inintay to. Diyan ka na lang nga, balik na ko sa kwarto ko. Baka bangungutin pa ko sayong gago ka." Tugon neto na ikinatawa ko na.

"Bangungot well, Bestfriend." Salita ko kasabay ng pagsandal ko sa upuan. Nilingon ako neto at nag dirty finger sa'akin. Tumawa na lang ako.

Nanatili pa akong nakaupo at nakasandal sa upuan ng ilang minuto bago ako nagpasyang tumayo at mahiga na. Nag half bath na muna ako bago nagpasyang mahiga na rin.

Habang nakahiga ay biglang pumasok sa isip ko si Gabriella. Hindi ko pa kasi siya nakikita simula nung dumating kami kanina dito sa hotel. Nag beach kami kaninang pagdating namin pero hindi ko man lang siya nakita kahit anino niya. Pero nang makasalubong ko kanina si Febbie ay sinabi netong nakausap na niya ang dalaga.

Kinabukasan ay sabay sabay kaming magkakaybigan na kumain, maliban kila Febbie at Raient. Lahat sila ay masayang nag kekwentuhan pero ako minsan ay nakikisali sa usapan ngunit madalas ay nakatahimik lang, ngingiti o tatango lang.

Mabilis na lumipas ang oras, nasa kwarto na kami ng groom. Naka-ayos na kami at nag iintay na lang ng oras na tawagin kami. Hindi namin mapigilang matawa at mang-ines kay Raient dahil bakas talaga ang kaba neto.

"Pre, nag text si Joy. Ayaw na daw mag pakasal sayo ni Febbie." Turan ni Darius.

"Gago ka! Hindi ka nakakatulong, hayop ka!" Raient. Nag tawanan kami pero agad akong nag salita.

"Malaking pagkakamali lang daw na pakakasalan ka niya." Umiiling kong turan at hindi mapigilan ang pagngiti ng husto.

"Pinilit mo lang daw kasi siya" Mark.

"Teka nga. Shit. Pupuntahan ko lang si Febbie. Baka nag backout na yun." Turan neto at astang lalabas ng kwarto pero agad kaming nagtawanan at pinigilan eto.

"Gago. Intayin mo namang sabihin mamaya sa kasal mismo ninyo na ayaw na niya sayo." Mark.

"Stop na." Ako.

"Sige bestfriend, ipagtanggol mo ang kaawa-awa mong bestfriend."

"Tigilan niyo si Raient. Baka umiyak yan." Ngumisi ako. Nanlaki ang mata neto at astang susugurin ako pero mabilis akong lumabas ng kwarto.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now