FOURTEEN : CHANGES

1.4K 54 2
                                    

"Walang permanente sa mundo, lahat nagbabago."

---

GABRIELLE'POV

"Waaah. Stop na huhu. Hahaha" Parang baliw na sigaw ko at tumakbo sa kusina.

Hinahabol kasi ako ni Aarhon sa sala. Nag momovie marathon kami at nag-aasaran. Ito kasi ang ika-14 months ng relasyon namin kaya nakasanayan na namin na mag movie marathon nung mga movies na hindi pa namin napapanood. Horror, comedy, action, fantacy even romance ay napanood namin.

"Natahimik ka?" Tanong ko kay Aarhon nung bigla na lang siyang tumahimik. Tumingin lang ito sa'akin at inakbayan ako, hinila niya ako mula dito payakap sa'kanya.

"I'm fine." Sabay halik neto sa ulo ko. Kahit alam kong may mali dito ay hinayaan ko na lang pero nanatili akong nakikiramdam sa mga pinapakita keto at mga kilos niya.

Nang matapos namin ang pangalawang movie na pinapanood namin ay tumayo ito. Nagtatakang pinanood ko lang siya. Pinalitan niya ang movie ng filipino movie, umupong muli siya sa tabi ko pero hindi tulad kanina. May espasyo sa pagitan naming dalawa, hindi ko na rin nagawang panoorin ang kung ano pa mang isinalang niya. Nakatitig lang ako sa'kanya.

"Why?" Tanong neto.

"M-ay problema ba?" Tanong ko. Tumingin ito sa'akin dahilan para kabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang ay may kakaiba sa tingin niyang iyon.

Pero nanlumo ako ng nag kibit-balikat ito at muling tumingin sa TV.

"Tell me." Muling salita ko pero hindi parin ito kumibo. "Aarhon...." Nanlaki ang mata ko ng biglang tumayo ito ng tawagin ko siya.

"I want to work now, Gabrielle." Bigla ay napatayo rin ako, biglang naalarma ang katawan at isip ko.

"B-akit? Hindi kanaba binibigyan ng allowance ni tito?" Biglang tanong ko. Biglang bumuga ito sa hangin.

"What? Iintayin ko pa bang wag akong bigyan ni dad ng allowance para makapag trabaho? Look, you know what? I know, i can make my own money but you don't want. Nag aral ako para may mapatunayan sa father ko in the future, pero paano kong magagawa yun kung hindi mo ko pag-t'trabahuhin?" Naglakad ito sa harapan ko, ako naman ay nanatiling nakatingin sa'kanya.

"Hindi ba masyado pang maaga para sa trabaho?" Tanong ko.

Napatawa sito bago sumagot. "It's almost 1year plus since i graduated in college. Paano mo ba masasabing dapat na ko magtrabaho? After 5years? The hell Gabrielle."

Hindi ako nakasagot sa sinabi neto. Doon ay tila natauhan ako, doon ay tila nagbagsakan sa utak ko ang maling nagawa ko. Ang gusto ko lang naman ay saakin muna ang oras niya, ang saakin lang naman ay natatakot ako... Natatakot ako na baka magaya kami sa mga napapanood ko na makahanap ng ibang mas higit...

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may humawak sa magkabilang balikat ko. Napalingon ako sa may-ari ng kamay na iyon. Inosenteng nakatingin ako kay Aarhon.

"Nagbibigay ng scholarship si dad. Kukumbinsihin ko siyang bigyan ka, To fulfill your dreams. You are not kid anymore, Gab. You need to go in college. Kaylangan mong mag-aral para matupad mo ang mga pangarap mo. You want to be a designer, right? Okay fine. I will be happy kung tutuparin mo ang sarili mong pangarap basta ba hayaan mo lang akong magtrabaho, i can't be happy here kung alam kong ang dad ko ay nahihirapan na magtrabaho. Hindi ba't masaya yung lalabas tayo at walang iisipin pa na gagastusin dahil sarili kita ko na yung gagastusin natin"

Mahabang lintanya neto sa'akin. "N-atatakot ako" Salita ko. Hinawi neto ang ilang hibla ng buhok ko humarang sa mukha ko, isinabit neto sa tenga ko.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now