FIFTHTEEN : HUMOR

1.2K 54 4
                                    

GABRIELLE'POV

Dalawang araw nakalipas matapos ang pasko ng mabalitaan kong nakabalik na si Aarhon galing manila. Tulad ng mga nakaraan ay nagsabi lang ito na babalik na siya, hindi niya man lang niya ako tinawagan or pinuntahan para personal na sabihin ito. Nakakaramdam man ako ng tampo ay tila nasanay na rin ako sa ganoong gawain niya.

Napagpasyahan kong ipagluto ito ng paborito nitong calderata, nakangiti ko pa itong niluluto at hindi mawala ang mga ngiting iyon habang inilalagay sa lalagyan na siyang personal naming binili nung minsang nagbalak kaming mag picnic pero hindi natuloy dahil sa sobrang busy niya sa trabaho.

Pagkatapos kong magluto ay naligo na ako, nag iwan na din ako ng pagkain para kay mama. Nang paalis na ako ay inayos ko na din muna ang lamesang kakainan ni mama. Sinigurado ko naman dito sa sulat na iniwan ko na babalik ako kaagad bago maghapon. May tatapusin pa din kasi akong thesis.

Habang nasa tricycle ay hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Parang naeexcite na ewan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pa.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Aarhon.

To: Love

Saan ka?

Nakangiti ko itong sinend. Miss na miss ko na din kasi talaga siya, at hindi ako mapipigilan ng pagiging busy niya para hindi siya makita.

Nilingon ko ang cellphone ko ng tumunog ito. Lalong hindi na nawala ang ngiti sa labi ko ng makitang si Aarhon ang nag text at sa laman ng reply neto.

From: Love

Restaurant. I miss you.

Hindi na ako nag reply. Natatawa pa akong isipin na naiinip siyang intayin ang reply ko, pero ang reply na inaasam niya ay nanaisin kong sa harap niya mismo sasabihin. Gosh! Kinikilig ako! Haha.

Napatinging muli ako sa cellphone ko ng muling tumunog ito. Halos tumawa na ako sa isip ko ng makitang si Aarhon muli ito.

From: love

Busy? Can we go out now?

Kinilig na namana ako. Ano ka ba Gab? Simpleng yaya lang yan sayo halos mag-wet kana sa sobrang kilig. Baliw na talaga ko.

"Dito na tayo ma'am" Bumalik ako sa realidad ng magsalita si manong tricycle driver.

"A-h. Mag kano kuya?" Sabay labas ko ng tricycle, hawak ang wallet ko habang sa kabila naman ang paper bag na may lamang lunch namin ni Aarhon.

"50 po" Ngumiti akong kumuha ng pera sa wallet at nag bayad.

Nagmamadaling pumasok ako sa restaurant, napatingin naman sa'akin ang mga waitress doon. Nginitian ko lang sila, ang ilan ay nginitian ako habang ang iba naman ay nakatingin lang.

"S-i Aarhon?" Tanong ko.

"Nasa office po ma'am" Sagot nung isa. Tumango ako't naglakad papuntang office.

Napangisi akong lalo ng nasa tapat na ko ng office ni Aarhon ng mag vibrate ang cellphone ko. Agad kong ainagot ito ng si Aarhon ang tumatawag. Kinikilig lalo ako.

"H-ello" Utal na salita ko. Ngiting ngiting salita ko na akala mo mapupunit na mga labi ko.

"Nasaan ka? Hindi ka nag reply sa'akin."

"Hulaan mo" Salita ko.

"W-ait?" Salita neto. Umiling ako sabay yuko, paano ko ba matatago ang ngiti at saya ko? Ilang sigundo lang makikita ko na ulit siya. Sabihin niyo sa'akin,paano ko matatago to?

"H-i?" Alanganing ngiti ko ng pagbuksan ako ni Aarhon ng pinto. Halata sa mga mata niya ang pagkagulat neto, natawa naman akong pumasok at hinila siya paupo sa sofa. Sinara ko naman ang pinto.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now