third person's point of view.
"Pa, lalabas lang po kami ni Crystal." Pagpapaalam ni Blaster, "Ingat." sabi ng tatay niya.
Siguro hindi pa din sila ayos ng papa niya dahil sa nangyari noong isang linggo.
Lumabas sila ng bahay at naglakad sa sidewalk papunta sa parke na sina Blaster at Unique lang ang nakakaalam.
"Ter, thank you." Sabi ni Crystal at ngumiti. Pigil na pigil siyang magsalita ng kung ano katulad ng 'i love you' at iba pa.
Siguro kabang kabado silang dalawa. "Crystal, ikaw? Kumusta ka na?" Tanong niya. "Okay lang ako." sabi ni Crystal.
"Musta yung trabaho mo?" Tanong ni Blaster.
"It's going well. Night shift, as always."
"Ang ganda mo." Sabi ni Blaster kay Crystal, agad tinago ni Crystal ang mukha niyang namumula na sa resulta ng paginit ng pisngi niya.
"Thank you, ikaw din. Pogi."
Ngiti agad si Blaster.
Agad tumahimik ang paligid; ang naririnig lang ay ang kanilang mga pagtapak at paglakad.
"Nakakamiss ka." Sabi ni Blaster.
Si Crystal ay namula lalo, "Miss din kita." Pero sa lalong pagiisip ni Crystal ay bigla siyang natakot.
Natakot siya na baka iwanan na siya ni Blaster ulit, ipagpalit siya para sa bagong lalaki o babae.
Patuloy silang naglakad.
Sa kabilang parte naman ng mundo ay nandoon si Unique at Magdalena na pupunta rin sa parke. Special date.
Nagandahan si Unique sa magandang binibini na nasa harapan niya, nakasuot ng isang bestida na bagay sa kanyang kulay.
Agad naman ding kinabahan si Unique dahil isang news reporter at Journalist si Magda. Baka alam niya ang nangyari sa kanila ni Blaster.
Pero mukhang walang bakas ng problema sa mukha ni Magdalena at nakangiti pa.
"Uy, ang gwapo mo ngayon." Pagkurot ni Magdalena sa pisngi ni Unique, "Mas maganda ka." Pagpuri ni Unique pabalik.
"Hehe. ako pa.. Joke! Thank you."
Naglakad sila, nakakapit bisig si Magdalena.
Little did Magdalena know kung anong kalokohan at kagaguhan ang ginawa ni Unique sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Unique sa nakita niya at lalo na si Blaster.
Kailangan mo nang layuan si Unique, Blaster.
Tandaan mo ang sinabi ng tatay mo sa iyo, para na rin sa ikabubuti mo.
Wag mo siyang tignan sa mata.
Please.
Nagkita ulit sila. Nagkatinginan sila sa mata.
Everything went slow motion, yung paglakad, yung pagtingin ni Blaster sa kapit bisig ni Unique at Magdalena na tila bang bagong kasal sila.
Sa parte ni Unique naman ay pakiramdam niya'y nasira ang puso niya sa paghawak ni Blaster sa kamay ni Crystal.
Nilagay ni Magdalena ang ulo niya sa balikat ni Unique habang tumulo ang luha niya nang marinig niya ang mga salitang kinatatakutan niyang marinig.
"I love you, Crystal."
Halata sa mukha ni Crystal ang pagtataka, kasiyahan, paglilito at ang takot na baka pinaglalaruan siya ni Blaster. Tama siya. tinignan niya si Blaster sa mata at sumagot pabalik:
"I love you too, Blaster."
And everything went back to normal, na tila bang walang nangyari sa kanilang dalawa.
Hindi man madali para sa kanila pero kailangan na nilang iwasan ang isa't isa.
Kahit papunta sila sa parehas na lugar ay pinaglalaruan lang sila ng tadhana.
Pakiramdam nila'y sinayang lang nila ang samahan nila.
Yung mga bata pa sila; walang kaalam alam sa mapanglait na mundo.
Hanggang panaginip nalang siguro para sa kanilang dalawa na tikman ulit ang labi ng isa't isa.
Siguro hanggang alaala nalang para sa kanilang dalawa ang mga pinagsamahan nila.
Hindi man ito ang huling interaksyon at huling pagkikita nila pero ito na siguro ang huling alaala nilang pakiramdam nila'y malaya sila.
Pero sa puso nila'y alam nila na mahal nila ang isa't isa.
Balang araw ay alam nila na ipagtatagpo rin sila sa tamang tao at ipagtatadhana sa tamang oras.
Hindi lang talaga sila para sa isa't isa.
done!
friday, august 24 2018. 11:08 pm.
whispers and mutters:
may 31 2018 - august 24 2018.
YOU ARE READING
whispers and mutters • blasnique
Fanfiction[CURRENTLY BEING REWRITTEN] The year 1978 was already much of an intoxicating, drug-filled chaos itself for Unique Salonga and his band, until his untainted, innocent best friend unwittingly meddled in when his stardom rose to its hazy glory. ° VOLU...