Dear Diary,
Oo, ikaw na ang Diary ko ngayon. Ewan ko ba kung bakit binigay ka sakin ni lola eh nakita ka lang naman namin sa baul noong naglilinis kami sa probinsiya. Sabi niya, kunin na daw kita, kase sayang naman daw kung itatapon ka lang eh wala kapa namang kalaman-laman. Gawin daw kitang listahan ng mga utang. Grabe si lola sakin, anong akala niya sa akin Diary? Bumbay na nagpapa-utang??
Kaya instead of listahan ng utang ang bagsak mo, why not listahan ng sama ng loob ko at kung anu-ano pa diba??
So eto na nga! Magkwekwento na ako kung anong nangyari sa araw ko.
Napagod ako sa biyahe from province. Nagbakasyon kasi ako kina lola ng 1 week doon at sobrang nag-enjoy talaga ako ng sobra. Madami ding magagandang views dun Diary kaya hindi na ako nagtaka kung full memory na yung cellphone ko. Hihi. Excited na akong tingnan mga pictures ko dun Diary, wait lang at kukunin ko yung cellphone ko sa bag ko.
Love,
Ada
BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Ficção AdolescenteI lost my phone and I lost my heart too. Someone pick my phone, but will that someone pick my heart too???