Dear Diary,
Dahil textmate na nga kami ni Tyler ay tumawag siya sa akin kanina. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano Diary. May pagkadaldal din pala si Tyler tulad ko. That's why I found him nice and not boring.
Knowing each other ang drama namin kanina Diary. Nalaman ko na mas ahead siya sa akin ng 1 year. 17 na ako at siya naman ay 18. Nalaman ko din Diary na nag-aaral siya sa university na inenrollan ko.
What a co- incidence diba Diary?? Akalain mo yun, parehong school ang papasukan namin this opening? Yun ngalang mag sesecond year college na siya tapos ako ay freshman palang. Mas lalo tuloy tumaas ang confident ko na maibabalik din yung phone ko pag nagkita kami sa opening.
Bukod sa nalaman kong Architecture ang kinukuha niya Diary ay marami pa kaming napagkwentuhan kanina ni Tyler na sobrang nagpasakit ng tiyan ko sa kakatawa. Joker din pala si koyyaa!
Oo Diary! Tinawag ko siyang kuya dahil mas matanda naman siya sa akin, pero sinuway niya ako at wag ko nalang daw siyang tawaging kuya kaya Tyler nalang daw. So I end up calling him with his cute name: Tyler.
Natapos ang tawagan namin Diary na hindi ko natanong ang surname niya.
Kainis! Bakit nawala sa isip ko??? Nadala ba ako sa husky voice niya at sa mga funny stories niya Diary??? Hmmmm. Tatanungin ko nalang ulet siya later.
Love,
Ada

BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Novela JuvenilI lost my phone and I lost my heart too. Someone pick my phone, but will that someone pick my heart too???