Diary 17

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Ang malas ko today. Mas malas pa sa malas :(

Dumaan kasi kami sa Gym ni Diane kanina at may mga naglalaro ng basketball doon at hindi ko naman maitatanggi Diary na gwapo talaga sila.

Pero someone caught my attention Diary. Yung lalaking nakasuot ng #02 jersey na medyo matangkad at maputi. Nahuli ko kasi siyang nakatingin sa akin.

Hindi sa nag-aassume ako Diary pero tiningnan talaga niya ako.

Bonggang pagmasid pa ang ginawa ko kanina Diary pero sa hindi inaasahan ay natamaan ako ng bola..

Oo Diary natamaan ako ng bola kanina.. sa noo ko pa. Nakakita tuloy ako ng mga stars sa malapitan. Nagkikislapan sila Diary. Ghad! Ganun pala ang itsura ng stars.

Pero bago magdilim ang paningin ko kanina Diary ay rinig ko ang hysterical voice ni Diane. At bago ako bumagsak kanina sa sahig Diary ay lumapit yung lalaki na nakatitig sa akin kanina with his worry look.

Nagdilim tuloy ang paningin ko Diary.. Ewan ko ba kung saan ako nahimatay?? Nahimatay ba ako dahil sa pagtama ng bola sa ulo ko o nahimatay ako dahil lumapit sa akin yung lalaki at sinalo ako??

Sige. Bye muna Diary. I need to sleep na dahil may pasok pa ako bukas. And masakit parin kasi yung ulo ko. Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat dun sa lalaki Diary.. dahil according to Diane, siya ang nagdala sa akin sa clinic kanina.

Maybe I will thank him tomorrow kung makita ko siya.

Nagtext din sa akin si Tyler Diary. He said that "Mag-iingat daw ako palagi."

Love,
Ada

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon