Dear Diary,
Thank God Diary dahil hindi pa kinuha ni mama yung cellphone niya nung pumunta siya sa palengke kaya yun ang ginamit ko para tawagan yung cellphone ko.
Naka limang tawag ako bago nasagot sa kabilang linya Diary.
Kinakabahan ako na natatae kanina dahil sa wakas may sumagot sa tawag ko. Meaning... may nakapulot sa phone ko.
Nag "hello" pa ako sa kabilang linya Diary at nagpakilalang ako yung may ari ng napulot niyang cellphone.
Mukhang kagigising lang nung tinawagan ko sa kabilang linya Diary dahil sa boses niyang mukhang antok na antok pa.
Pero shemay lang Diary!!! Bakla ang nakapulot sa cellphone ko. Charut ulet Diary..
Lalaki Diary! At puchang gala! Ang husky ng boses niya. Feel ko gwapo siya. Hahaha.
Nag-explain siya sa akin Diary na nakita daw niya yung phone ko na naiwan sa upuan ko sa bus. Ihahabol pa sana niya yun baka sakaling nandun pa ako sa terminal ng bus pero umandar naman na yung bus at wala na siyang nagawa. Kaya tinago nalang niya yun sa bag niya at hinihintay nga niya ang tawag ko Diary dahil balak din naman niyang ibalik ito.
Thanks God talaga Diary dahil kahit papano ay may nakapulot sa phone ko. Yun nga lang, paano ko makukuha yun eh nasa Visayas siya for his vacation. Hmmm. Sana lang wag niya paki-alaman mga laman nun.
Love,
Ada

BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Novela JuvenilI lost my phone and I lost my heart too. Someone pick my phone, but will that someone pick my heart too???