Dear Diary,
It's Sunday again! Nakakatamad bumangon kanina. Kaso no choice ako dahil pinasok ako ni mama sa kwarto at sinermonan.
Kailangan ko na daw bumangon dahil magsisimba raw kami ngayon. Matagal pa naman daw ako kumilos. Ang OA talaga ni mama Diary! Eh 3:30 palang kaya ang oras kanina. 8:30 ang second mass! Hindi naman excited si mama noh???
And as usual Diary, before mag 8 ay nandun na kaming buong pamilya sa simbahan. Doon kami sa medyo harap umupo para raw mas marinig yung homily ni father sabi ni papa.
Konti palang ang tao kanina Diary at hinihintay pa naming magsimula yung mass kaya linabas ko yung phone ko and I saw Tyler's text. At hindi ko inexpect yung laman ng text niya Diary....
"Happy Sunday Ada! 😇 Tago mo na yung phone mo at makinig ka sa homily ni Father. My eyes is on you! Take care always. By the way, I like your outfit today. You look like an angel in that peach dress! 😍"
Medyo nagulat ako Diary! It's like OmGeee! I'm so curious! Nakikita kaya ako ni Tyler? Nandun din kaya siya sa simbahan kanina??
Palihim pa akong lumingon-lingon kanina sa paligid ko Diary na parang bangag! Hoping that I will see Tyler. Pero ang ending! I didn't saw Tyler.
Eh paano ko naman siya mahahanap Diary eh wala naman akong idea kung ano itsura niya. Ang napansin ko lang eh yung lalaking nginitian ako. Ang manyak pa ng tingin niya!
Jusme Diary! Sa simbahan pa yun ah! Sana nahimasmasan siya after ng mass. Godbless nalang sa lalaking yun na kung makatingin is ang laswa! Gosh!
Pero realtalk Diary! BALIK TAYO KAY TYLER!!! Bakit ang galing niyang mambola? Bakit sa simpleng compliment niya lang sa akin napapangiti na ako??? Bakit nagagalak yung puso ko Diary?? Paki explain???!!
Ps. Diary! Malakas ang kutob ko na nasa simbahan din si Tyler that time. Pero bakit walang hint na pwede ko siyang makita!
And before I will finIsh mychicka to you Diary, paglabas namin sa simbahan I saw Lucian.. yung president namin. Sabay pa kaming nagbless kay Father and when we saw each other, he said "Hi" to me at nginitian ko lang siya.
Therefore I conclude Diary na si Lucian pala talaga yung nakatabi ko sa simbahan last Sunday. That's all.
Love,
Ada
BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Novela JuvenilI lost my phone and I lost my heart too. Someone pick my phone, but will that someone pick my heart too???