Diary 18

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Maaga akong pumasok kanina at hindi ko alam kung anong meron at bakit pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid ko.

Pati nung pumasok ako sa classroom Diary ay iba ang mga tingin ng mga kaklase ko kanina. Looks like I did something wrong to them.. ganern. Si Diane lang ata ang hindi weird makatingin sa akin Diary dahil kinurot pa niya ako ng bongga noong linapitan ko siya.

I ask him Diary kung anong meron at kinurot lang ako ng gaga. Sinabi niya sa akin na kaya daw ako pinagtitinginan ng mga tao dahil kalat na sa buong campus na ako ang shushungang natamaan ng bola kahapon at ang nagbuhat pala sa akin ay ang captain ng basketball which is pamangkin ng may ari ng school. According to Diane Diary ay Lucian daw ang pangalan niya.

Ang manly ng pangalan niya Diary, kaya hindi na ako magtataka kung most of the girls ay pinagpapantasyan talaga siya.

Myghad Diary! Kaya pala yung iba kanina.. ang sama makatingin. Diko naman alam Diary na famous pala yung lalaking sumalo sa akin. Paano nalang ako makakapag-salamat sa kanya.. kung iba ang iniisip ng tao sa paligid ko. I'm so worried. Baka dumugin ako ng fansclub niya at pagsasabunutin.

Love,
Ada

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon