Dear Diary,
Wala akong load today. Wala din akong nareceive na text mula kay Tyler.
Maybe wala din siyang load :D
Aba! Meant to be ba mga simcards namin Diary?? Sabay pa talagang walang load ah..
Nakikitext pa kanina sa akin si mama dahil wala na daw siyang pantext. Sinabi ko sa kanya Diary na wala akong load.
Sabi ba naman ni mama Diary, itapon ko na daw simcard ko na walang load dahil wala namang silbi. Basag trip din talaga tong si mama eh.
Pareho naman kaming walang load. Sinagot ko siya na itapon na din niya simcard niyang walang load dahil wala din silbi..
Binato ba naman ako ng tsinelas Diary. Buti nalang naka-ilag ako at nagtatatakbo papunta sa kwarto ko at nagkulong.
Ano bang mali sa sinabi ko Diary? Eh ginaya ko lang naman si mama. Minsan praning din mga tao dito sa bahay eh.
Sana lang, hindi ako mahawaan Diary.
Love,
Ada

BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Roman pour AdolescentsI lost my phone and I lost my heart too. Someone pick my phone, but will that someone pick my heart too???