Diary 8

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Nagising ako ng maaga kanina dahil sa lakas ng bunganga ni mama sa pagsigaw na handa na daw ang breakfast namin. No choice tuloy kundi ang bumangon ako Diary.

Nagtext din pala sa akin si Tyler Diary. He greeted me "Goodmorning Pretty."

Naks! Pretty daw ako Diary. Pero totoo naman diba? Hoho.

That is why I greeted Tyler back para hindi naman ako magmukhang snob.

"Goodmorning Handsome:)" ang rineply ko Diary kahit wala naman akong idea kung gwapo ba siya o hindi. Hihihi. Just turning the compliment back.

Pagbaba ko kanina Diary ay inutusan pa ako ni mama bumili ng bagoong. Kaya kahit gutom na gutom na ako Diary ay sumunod nalang ako sa utos niya.

Pero badtrip Diary, dahil pag-uwi ko sa bahay galing tindahan, wala ng natirang bacon dahil inubos ni kuya lahat. Napakatakaw talaga niya!!!!

Yung bagoong na pinabili ni mama tuloy ang bagsak ko na ulam. :((( Naghihirap na ba kami Diary at pati bagoong ay minumurder ko na??? So sad!

Love,
Ada

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon