Dear Diary,
Tyler texted me na uuwi na daw siya ngayon dito sa Luzon dahil tapos na daw ang bakasyon niya at malapit na rin daw ang pasukan.
Oh diba Diary, update ang lola mo. Friendship for real na talaga kami ni Tyler. I said "Ingat to him." And he told me na itetext daw niya ako pag naka-uwi na siya.
Bakit ganun Diary?? Feeling ko sobrang close na namin ni Tyler at ang dami ko ng alam tungkol sa kanya.. except his surname. Tinanong ko kase siya noon kung ano ang tunay niyang pangalan pero he told me na sasabihin nalang daw niya pag nagkita kami in person. Kaya hindi na ako nangulit pa. Pa mysterious effect din siya eh.
Pero nagtataka lang ako sa sarili ko Diary dahil never kong naisip na masamang tao si Tyler at ginagamit lang ako at ang cellphone ko para perahan. But he's different Diary. Hindi siya tulad ng iba na pag may napulot na cellphone tatanggalin na nila agad ang simcard para hindi na makuha ng may-ari dahil wala na silang balak pang ibalik.
And I'm pretty sure that Tyler is a good man.
It is posible din pala Diary na makagaanan mo ng loob ang isang tao na sa cellphone mo lang nakaka-usap at never mo pang nakita at nakasama.
How I wish that I'll meet Tyler soon. :) Diary.
Love,
Ada

BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Ficção AdolescenteI lost my phone and I lost my heart too. Someone pick my phone, but will that someone pick my heart too???