Dear Diary,
Nakabili na si mama ng simcard ko Diary kaya binalik ko na sa kanya yung phone niya at yung keypad na ang gamit ko para ma contact yung phone ko.
Nagpakilala sa akin yung nakapulot ng phone ko Diary.
Tyler ang pangalan niya. Ang gwapo ng name, diba Diary. Kaso wala na akong balak tanungin ang surname niya. Hindi na niya tinanong yung pangalan ko Diary dahil nakalagay naman daw dun yung pangalan ko sa keychain ng phone ko.So yun na nga Diary, mukhang mabait naman si Tyler kaya pumayag na akong maging mag friends kami.
Later na ulet kita susulatan Diary. Mag f- facebook muna ako. Masearch nga si Tyler at matingnan kung ano ang itsura niya.
Ang unfair ngalang Diary dahil siya, nakita niya na ang itsura ko dahil sa wallpaper ko ang sarili kong mukha sa phone ko, tapos siya wala man lang akong idea kung ano itsura niya kung tao ba siya o unggoy. Choss.
Love,
Ada

BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Novela JuvenilI lost my phone and I lost my heart too. Someone pick my phone, but will that someone pick my heart too???