Diary 14

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Dahil linggo ngayon ay nagsimba kami kanina with my family, si mama, papa and kuya. Nagtalo pa kami kanina ni mama Diary dahil pinipilit niyang ipasuot sa akin yung peach na above the knee na dress eh gusto kong mag jeans.

Nakasimangot tuloy ako kanina habang papasok sa sasakyan habang si mama ay ngiting-ngiti dahil nagtagumpay siyang ipasuot sa akin yung dress Diary.

Nawala lang yung badtrip ko kanina Diary dahil ang gwapo ng katabi ko sa simbahan. Hindi ko masyadong nakita ang itsura niya dahil nakakahiya naman Diary kung lilingon ako sa kanya.

Pero sabi talaga ng instinct ko kanina Diary ay gwapo yung katabi ko. Hindi tuloy ako masyadong nakapag-concentrate sa pakikinig ng homily ni father dahil naiinitan ako na ewan.

At mas lalo pa akong natense Diary nung tumayo na kaming lahat at kakanta ng "Our Father" eh dapat magkahawak-hawak ang kamay dun. Nahawakan tuloy niya ang nanlalamig at nanginginig kong kamay Diary. Nakakahiya!!!!

And then I realize that he is really handsome nung napagmasdan ko siyang maigi nung nag "peace be with you" kami sa isa't- isa. Mukhang nabigla pa siya sa akin Diary nung humarap ako sa kanya pero nginitian din niya ako saka nag sign of peace kami sa isa't-isa..

Shockss lang Diary! Ang amo ng mukha niya tapos ang gwapo pa.

Nextime, magsisimba ulit ako and hope to see him again. Hihi. Wag ka ng umangal Diary. Ngayon lang talaga ako naka appreciate ng tao aside from Tyler.

And speaking of Tyler, kumusta na kaya siya?? Matext nga mamaya.

Love,
Ada

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon