Diary 6

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Sinearch ko kanina sa fb si Tyler Diary pero ang daming Tyler na lumabas. Hindi ko tuloy alam kung sino siya sa mga yun. Sana pala Diary tinanong ko na lang surname niya.

Pagkatapos kong magcomputer at nawalan na ng pag-asang mahanap ang mukha ni Tyler sa fb Diary ay humilata na lang ang ginawa ko kanina. Ang tagal kasi ng bakasyon Diary kaya taong bahay lang ako.

Nung chineck ko kanina yung keypad kong phone Diary ay may nagtext na new number. Sa sobrang curious ko kanina Diary ay binuksan ko yung message. Posible naman na may makaalam ng number ko noh, bago palang kaya toh at bukod sa family ko ay si Tyler palang ang nakaka-alam dahil itong number ko ang gamit kong pantawag sa phone ko.

Pero naloka talaga ako nung pag-open ko sa message Diary.

"Hi Ada! It's me Tyler. Dito kana lang magtext at tumawag sa number ko. Baka malobat phone mo pag binalik ko. :)"

Jusme Diary! What on earth is happening. Friends na nga kami ni Tyler diba? Anong gusto niya? Textmate din kami ganun??

Pero may point naman siya. Dapat phone niya gamitin niya noh! Hindi yung phone ko. Baka anu pa makita niya dun eh.

Okay. Babye muna Diary. Maliligo muna ako.

Love,
Ada

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon