G

3.3K 120 21
                                    

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Rhian sa akin at hindi ko kayang pigilan ang sarili ko pagdating sa kanya. Nawawalan ako ng kontrol  kapag siya  ang kaharap ko, kagaya nalang nang ginawa niya sa akin noong sinundo niya ako sa airport. Bigla niya nalang akong hinalikan at wala man lang akong lakas ng loob para kumontra na kung tutuosin ay may pagkakataon akong labanan siya.

Hanggang ngayon damang dama ko pa ang malalambot niyang mga labi. Rhian bakit pagdating sayo nagiging sunod sunuran ako.

"Ang layo na ng narating mo ah." Biglang sabi ni Rhian nang lapitan niya ako.

"Iniisip ko lang kong anong trabaho ang mapapasukan kong trabaho." Pagsisinungaling ko.

"Hmmm, sigurado ka na ba talaga na hindi mo tatanggapin yung offer ko sayo na mag aral ka sa London?" Tanong niya habang sinubo niya ang isang fries na dala niya.

"Oo, sigurado na ako. Diba sinabihan na kita na gusto kong magtrabaho muna bago ako mag aaral." Sagot ko.

"Sige, hindi kita pipilitin pero sayang naman kasi ang time Glaiza. Isa pa wala ka namang dapat na isipin sa mga gastusin mo pagdating mo doon. Ako na ang bahala dun." Sabi niya.

"Wow, fascinating pero, hindi ko pa din tatanggapin Rhi, sana maintindihan mo ako." Sagot ko.

Bumuntong hininga si Rhian habang nakatitig siya sa aking mga mata.

"Sige na hindi na kita kukulitin. Basta kung sakaling magbago ang isip mo, sabihin mo agad sa akin ha?" Sabi niya sabay kindat.

"Rhian naman huwag ka ngang ganyan." Sabi ko.

Ngumiti naman siya habang titig na titig sa akin.

"Wala naman akong ginagawa ah." Sabi niya habang tinatago niya ang kanyang tawa.

"Alam ko naman, pinagtritripan mo na naman ako eh. Ganyan ka ba talaga o sa akin mo lang ginagawa yan?" Tanong ko.

"Ginagawa ang alin?" Pagkukunwari niyang tanong.

"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga, maligo na muna ako." Sabi ko.

Aalis na sana ako pero bigla niyang nahawakan ang aking kanang kamay.

"Please stay here, gusto pa kitang makausap Glai." Malambing niyang sabi.

"Rhian, ano ba tong ginawa mo sa akin?" Tanong ko.

"Ano bang ginawa ko sayo Glai?" Tanong din niya.

Umupo ulit ako at pinagmasdan ko siyang mabuti.

"Rhi, alam mo aaminin ko sayo na ikaw ang unang tao na naging dahilan ng pagkwestyon ko sa aking sarili. Alam ko naman na babae ako pero bakit pagdating sayo parang hindi na ako sigurado." Sabi ko.

"Glai, hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo eh. Gusto ko lang malaman mo na simula noong una nating pagkikita ay nabihag mo ang puso ko." Sabi niya.

"Pero Rhian, mali itong nararamdaman mo para sa akin. Hindi ako nababagay sayo." Sabi ko.

"Kung ang pagkakamaling ito ang dahilan ng aking kaligayahan Glai, buong puso ko itong tatanggapin. Wala akong pakialam kung babae ka, ang mahalaga para sa akin ay mahal kita. Sana Glai huwag mong isara ang puso mo, sana hayaan mong ipadama ko sayo kung paano magmahal ang isang katulad ko." Sabi niya habang pinisil pisil niya ang aking kanang palad.

"Rhian, paano kung hindi tayo matatanggap ng pamilya natin? Paano kung kukutyain tayo ng mga taong nakapaligid sa atin?" Sagot ko.

"Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin nila Glai, ang mahalaga sa akin ay kung paano kita mapapasaya." Sagot niya.

"Hindi ko maipapangako sayo na matatanggap agad tayo ng mga mahal natin sa buhay pero sisikapin kong balang araw ay matatanggap nila tayo." Dagdag niya.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nililigawan ka ng kapwa mo babae. Akala ko noong mandidiri ako, akala ko noong kikilabutan ako pero iba eh. Ang sarap sa pakiramdam na may nagsasabi sayong handa niyang gawin ang lahat para lang mapasaya ka. Hindi ako handang pasukin ang mundo niya pero gusto ko siyang bigyan ng chance. Nakakatakot na nakakaexcite.

"Glaiza, ma..may pag asa ba ako sayo? Pasensya na kung sa tingin mo ay nagmamadali ako,gusto ko lang kasing ipaalam sayo na espesyal ka sa buhay ko." Sabi niya.

"Rhian, sa totoo lang takot ako sa mundong kinabibilangan mo, pero gusto kitang bigyan ng chance dahil alam ko lahat ng sinabi mo sa akin ay galing yon sa'yong puso. Pero paano ko sasabihin sa pamilya ko kung sakaling pagbigyan ko ang pag-ibig mo." Sabi ko.

"Huwag mo munang isipin yun Glai, pwedi bang ang isipin mo muna sa ngayon ay kung paano tayo sasaya? Pwedi bang sarili muna natin ang priority natin sa ngayon." Sagot niya.

May punto si Rhian, bakit ko nga ba iisipin sila. Malayo ako sa pamilya ko, magsusumikap ako para kung sakali mang malaman nila na ganito ako ay may maipagmalaki na ako sa kanila.

"Glaiza, please be my girlfriend." Sabi ni Rhian habang hinalikan niya ang aking kanang kamay.

Nakatitig ako sa mga mata niyang nakiki-usap.

"Ye..yes, gusto kitang bigyan ng chance Rhian, gusto kong subukan ang mundong kinabibilangan mo. Sana hindi ako magsisisi sa naging desisyon ko." Sabi ko.

Kitang kita ko kung paano sumigla ang kanyang mga mata at ang ngiti niyang abot hanggang tenga.

"Totoo ba tong narinig ko Glai? Sinasagot mo na ako?" Paninigurado niya.

"Yes!yes!yes!." Sabi ko.

Niyakap niya ako at hinalikan sa labi.

"Thank you Glai, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Thank you dahil hindi mo ako binigo." Sabi niya.

"Huwag mo din akong bibiguin Rhi, naniniwala ako sa lahat ng sinasabi mo." Sabi ko.

"Oo, pangako Glai, pasisiyahin kita araw-araw. Ipapadama ko sayo na hindi ka nagkamali sa naging desisyon mo. Gagawin kitang prinsesa Glai." Sabi niya.

"Aasahan ko yan Rhian. Mahal kita." Sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.

"Mahal din kita Glai, noon pa man ikaw na ang isinisigaw nitong puso ko." Sabi niya.

Ngumiti siya at niyakap niya ako ng mahigpit. May kaba pa din ako dito sa puso ko pero naniniwala akong hindi ako bibiguin ni Rhian. Alam ko tutuparin niya ang mga pangako niya sa akin. Sana nga, sana wala ng hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa, dahil ngayon palang ramdam kong mahal na mahal ko na siya.

A/N:

Please keep on voting guys. Tanchu..😘

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon