O

2.2K 80 3
                                    

Saan ako pupunta ngayon? Ako nalang mag isa dito sa New York. Dalawang linggo ang nakaraan pagkatapos magback out ni Rain sa kasal namin ay binigyan pa niya ako ng ticket pabalik dito sa New York para sundan si Rhian pero wala na akong Rhian na nadatnan pa. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin dahil kahit na si Rach ay sa akin din siya hinahanap. Sana walang masamang nangyari sa babaeng iyon dahil kapag nagkataon na may ginagawa siyang ikakapahamak sa sarili niya ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Nasa isang park ako nang may isang lalaki na lumapit sa akin.

"Waiting for someone kabayan?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"No, nagpapalipas oras lang." Sagot ko.

Tumango siya habang hindi niya inalis sa akin ang kanyang paningin.

"Hmmm, saan ka nagstay dito?" Bigla niyang tanong.

Pero hindi ako sumagot sa halip ay tumayo ako.

"I'll have to go." Sabi ko at tuluyan ko na siyang iniwan.

Bumalik ako sa bahay namin ni Rhian, natatandaan ko pa noon nang ibigay niya sa akin ang spare key sa bahay niya ang sabi niya: " love, sayo na tong spare key ng bahay dahil kung ano man ang meron ako ay may karapatan ka na rin nito. Lahat ng bagay na meron ako love isipin mong sayo din ang mga ito." Napangiti nalang ako ng mapait nang maalala ko kung gaano ako katanga nang binitawan ko siya. Sobrang hina kasi ng loob ko para ipaglaban ko ang pagmamahalan naming dalawa kaya heto ako ngayon naiwang mag isa.

Akala ko si Rhian yung maghihintay sa pagbabalik ko dito sa bahay na ito pero ako pala ang maghihintay sa kanya, yon kung may balak pa siyang bumalik. Nabaling ang aking atensyon sa isang larawan na nakalagay sa side table. Larawan naming dalawa iyon ang tamis tamis ng mga ngiti ni Rhian sa larawan na ito. Namimiss na kita nang sobra love, sana okay ka lang kung nasaan ka man ngayon.

Biglang tumunog ang aking cellphone at nang tignan ko kung sino ang tumawag ay agad ko itong sinagot.

"Hello Rach, may balita ka na ba sa kanya?" Tanong ko.

"No Glai, yan din sana ang itatanong ko sayo. Hindi pa ba siya umuwi sa bahay ninyo?" Tanong niya.

"Hindi pa eh, nag aapply na nga ako bilang cashier sa isang coffee shop na malapit lang dito dahil ayokong bumalik diyan sa Pilipinas nang hindi kami magkaayos." Sagot ko.

"Hindi na maganda itong nangyayari Glai, I called her bestfriend sa Londom pero wala din daw si Rhirhi sa kanya. Alam mo ba sobrang nag alala na si tita sa kanya? By the way papunta diyan si Nadine para tulungan kang maghanap sa babaeng yon. If I were you huwag ka nang magtrabaho muna I know may sapat ka pang pera to sustain your needs." Sabi ni Rach.

"Okay mabuti na rin at pupunta dito si Nadine." Sabi ko.

"Ah, Glai kung may maririnig kang hindi magandang sasabihin ni Nadine sayo intindihin mo nalang siya okay? Nag alala din yon sa kapatid niya dahil unang beses itong ginawa ni Rhian na magtago ng walang nakakaalam kung saan siya narororoon ng ganito katagal." Sabi ni Rach.

"Tatanggapin ko lahat ng ssabihin ni Nadine dahil alam ko kasalanan ko ang lahat ng ito." Sagot ko.

"Huwag mo ng sisihin ang sarili mo, may rason ang lahat kung bakit ito nangyayari." Sagot ni Rach.

"Salamat Rach." Sabi ko.

"Don't thank me, alam mo naman na mahalaga ka din sa akin dahil mahal ka ng kaibigan ko kaya kita pinaalalahanan about Nadine baka kasi mabigla ka." Sabi niya.

"Okay, handa akong tanggapin lahat ng sasabihin niya kapag nandito na siya." Sagot ko.

Narinig kong bumuntong hininga si Rach sa kabilang linya.

"Kung makakapunta lang sana ako diyan, kaso kailangan din ako ni tita dito. Kaya sorry talaga ang tanging magagawa ko lang ay ang tawagan ka at kumustahin." Sabi niya.

"Malaking tulong na yon para sa akin Rach. Salamat ulit." Sagot ko at naputol na ang tawag.

Inaayos ko ang kabilang kuwarto para pagdating ni Nadine ay makapagpahinga na siya. Kung mayroon man akong magagawa para mabawas bawasan ang guilt na nararamdaman ko ngayon yan ay ang pagsilbihan ang kapatid ng babaeng mahal ko.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa sobrang pagod nagising nalang ako nang marinig kong may kumakatok sa pintuan. Agad akong bumangon para pagbuksan ang bisitang dumating.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko agad si Nadine.

"H..hi.. pasok ka." Sagot ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay pumasok lang siya at huminto sa may sala para ilagay ang mga gamit niya.

"Ah, nilinis ko na ang kabilang room para pagdating mo makapagpahinga ka na. Anyway kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?" Tanong ko.

Nilingon niya ako.

"I'm tired and tapos na akong kumain." Sagot niya bago siya naglakad patungo sa kuwarto niya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Alam ko masama ang loob niya sa akin kaya iintindihin ko siya.

Pumasok ako sa kuwarto para makapagpahinga na din.

Kinabukasan ay maaga akong  nagising kung ang akala ko ay tulog pa di Nadine pero nagkamali ako dahil gising na din siya at nasa balcony siya ngayon habang hawak hawak ang isang tasa ng kape. Nillakasan ko ang loob ko na lapitan siya.

"Good morning, gising ka na pala. Anong gusto mong almusal?" Tanong ko.

Humigop siya ng kape bago siya tumingin sa akin.

"Ikaw ng bahala, hindi naman ako mapili sa pagkain." Sagot niya.

"Okay, magluluto nalang ako ng bacon." Sagot ko.

Tumango lang siya.

Hahakbang na sana ako pabalik sa kitchen nang bigla siyang nagsalita.

"Glaiza do you really love my sister?" Tanong niya.

Bumalik ako at tumabi sa kanya.

"Nadine, alam ko mahirap paniwalaan ang mga sasabihin ko sayo ngayon pero mahal na mahal ko ang kapatid mo." Sagot ko.

Ngumiti siya ng mapait.

"Mahal mo ang kapatid ko pero sinasaktan mo siya. Alam mo ba na hindi pa siya nakakarecover sa paghihiwalay ng mga parents ko and now you hurt her si badly na wala naman sana siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ka. And now sasabihin mo sa akin na mahal na mahal mo ang kapatid ko?" Sabi niya na halatang pinipigilan ang galit.

"Nadine alam ko galit ka sa akin at tatanggapin ko lahat ng galit mo ngayon. Maniwala ka sa akin pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko sa kapatid mo. Pangako kapag nagkita kaming muli hinding hindi ko na siya sasaktan pa." Nanginginig kong sagot.

"Puro ka pangako Glaiza hindi mo naman kayang panindigan. Alam mo masaya ako noon kasi for the firts time nakita kong totoong masaya si Rhian dahil sayo pero hindi ko alam na may kapalit pala lahat ng kasiyahan niya." Sabi ni Nadine.

"Hindi ko sinasadya ang lahat ng nangyayari Nadine. Oo aaminin ko duwag ako dahil diko kayang ipaglaban ang pag iibigan namin. Aaminin ko napakatanga ko para saktan ko ang babaeng nagmahal sa akin ng totoo. Please bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para itama ang pagkakamaling nagawa ko ngayon." Pakiusap ko sa kanya.

Tinititigan niya ako na para bang inaral niya ang aking mukha kung seryoso ba ako sa mga binitawan kong salita.

"Dahil mahal ka ng kapatid ko, sige bibigyan kita ng pagkakataong itama ang mga pagkakamali mo pero sa oras na sasaktan mong muli ang kapatid ko ay ako na mismo ang makakalaban mo." Sagot niya.

"Salamat Nadine. Pangako hindi ko na uulitin pa ang mga kasalanang nagawa ko, pangako mas lalo ko pang mamahalin ang kapatid mo." Sagot ko habang hindi ko na kayang napigilan ang aking mga luha na pumatak. Mga luha ng kasiyahan dahil sa nagawa pa din akong bigyan ng isa pang pagkakataon ni Nadine. Ipinangako ko sa sarili ko na simula ngayon ay mamahalin ko pa lalo si Rhian at simula ngayon ay ipaglalaban ko na ang pagmamahalan naming dalawa kahit pa sa sarili kong pamilya.

Alam ko balang araw matatanggap din ako ni nanay, umaasa ako na sana maliwanagan siya at hahayaan nalang niya ako kung kanino ako sasaya. Sana balang araw magiging okay na ang lahat.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon