Z

2K 76 7
                                    

Habang nasa daan kami patungo sa hospital kung saan matagal ng naconfine si Rhian ay labis ang kabang nararamdaman ko. Malamig na malamig ang pawis na lumalabas sa aking katawan.

"Glaiza, patawad nga pala kung ako yung nagsabi na hindi ipapaalam sayo ang nangyayari kay Rhian. Ginawa ko lang yung alam kong tama." Sabi ni Bianca habang hindi niya inalis sa daan ang kanyang paningin.

"It's been a year, paano mo nagawang itago sa akin ng ganito katagal ang pangyayari Bianca? Kung itinuring mo akong kaibigan mo sana hindi mo ito nilihim sa akin." Inis kong sagot.

"I know na magagalit ka sa akin, pero kung sinabi ko ba sayo noon ang nangyayari sa kanya, marating mo kaya kung anuman ang narating mo ngayon? Tinupad ko lang ang pangako ko kay Rhian." Sagot niya.

"Aanhin ko pa ang lahat ng yaman at kasikatang meron ako ngayon kung hindi ko naman kasama sa tabi ko ang babaeng tinitibok ng puso ko." Sagot ko.

Ngumiti siya ng mapait pero hindi pa rin niya inalis sa daan ang kanyang paningin.

"You let her go Glaiza, tapos ngayon sasabihin mo sa akin yan? Sana noon hindi ka pumayag sa gusto niya, sana noon kapitkamay ninyong hinarap ang magulang mo, siguro kung ganun ang ginawa ninyo wala sana siya sa ganitong sitwasyon ngayon. You're weak and coward G." Pagdidiin niya sa salitang weak at coward.

Hindi ako nakasagot agad kasi may punto naman talaga si Bianca eh, pwedi ko namang salungatin ang gusto ni Rhian noon. Pero nagpadala ako sa galit ko kaya ako nakapagdesisyon ng hindi tama.

"We're here. Nandito nga pala ang mga magulang niya kaya ihanda mo nalang ang sarili mo." Paalala sa akin ni Bianca.

Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko pa nakilala ang mga magulang ni Rhian, tanging si Nadine pa lang ang nakilala ko. Paano kapag ako ang sinisisi nila sa nangyayaring itong sa anak nila, paano ko ipagtanggol ang sarili ko.

"Hey G, bakit nakatayo ka lang diyan? Lets go." Tawag sa akin ni Bianca.

Naglakad kami papasok sa hospital, habang binaybay namin ang hallway ng hospital ay mas lalong bumibilis ang kabog ng aking dibdib. Panay tulo naman ang malamig kong pawis hanggang sa huminto kami sa room 103. Napangiti ako nang makita ko ang room number dahil naalala ko ang kaarawan niya. Binuksan ni Bianca ang pinto at pumasok siya sa loob, sumunod naman ako sa kanya at agad kong nakita ang walang malay na si Rhian. Nanghihina ako nang makita ko siya ngayon ang daming nakakabit sa katawan niya.

"Tita, siya po pala si Glaiza. Rhian's ex-girlfriend." Pakilala sa akin ni Bianca.

Tiningnan ko ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40's na ang edad. Kamukha niya si Rhian, magkapareho sila ng mata.

"So it's you. Ikaw pala ang sinasabi sa akin ni Nadine." Sabi ng Mommy ni Rhian.

"Ku..kumusta na po ang kalagayan niya?" Pautal kong tanong.

"Walang pagbabago hija she's in deep sleep. Malapit na kaming mawalan ng pag asa na gigising pa siya." Malungkot na sabi ng Mommy niya.

"Pwedi ko ba siyang malapitan Ma'am?" Paalam ko sa kanya.

Tumango siya.

"Talk to her, ikaw nalang ang huling pag asa namin na maging dahilan para magising siyang muli." Sagot niya.

Dahan dahan akong lumapit sa kama ni Rhian. Nanginginig ang aking kamay habang palapit ako ng palapit sa kanya. Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa kanya. Hindi ko alam na habang busy akong abutin lahat ng pangarap ko para sana pagdating ng araw ay may maipagmalaki na ako sa kanya ay nandito pala siya sa loob ng kuwarto na napapaligiran ng madaming machines. Nandito pala siya at nakikipaglaban para sa buhay niya. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay, at nagsimula akong kausapin siya.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon