U

2.2K 76 2
                                    

Ilang araw ng wala si Glaiza sa bahay ko pero para sa akin nandito pa din siya. Araw-araw kong pinapasok at nililinis ang kuwarto niya kahit na alam kong matagal pa siya bago makauwi. Gusto ko ng sumunod sa kanya sa London at doon nalang mag aral pero pinipigilan ko ang sarili ko na gawin yun. Ayoko kasing isipin niya na wala siyang nagawa para sa sarili niya dahil nandun ako. Gusto ko matapos muna niya ang kanyang pag aaral bago ko siya pupuntahan doon. Titiisin ko muna ang pangungulila ko sa kanya alang alang sa pangarap niyang maging isang musikero. Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at si Rach ito kaya naman agad ko itong sinagot.

"Hey, ano na ang balita sa pinapagawa ko sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang naman Rhi, kasi sinamahan ako ng tita ni Glaiza nang kausapin ko si Alcris." Sagot niya.

"Good, si Mommy kumusta na diyan?" Tanong ko ulit.

"Hindi okay Rhi, gusto ka niyang kausapin pero hindi mo raw kasi sinasagot ang mga tawag niya sayo." Sabi niya.

"Ano pa ba ang pag uusapan namin Rach. Naghiwalay na sila ni Dad diba? Wala na wasak na ang pamilya namin." Inis kong sagot.

"Rhi, maybe theres a reason kung bakit sila naghihiwalay? Bakit di mo pakinggan ang side ng Mommy mo? Huwag ka namang one sided." Sabi niya.

"Pareho ko silang hindi kinakausap Rach para sa kaalaman mo. Bakit, noong nagdesisyon ba silang maghiwalay kinakausap ba nila kami? Di ba hindi? Matanda na kami and siguro naman maiintindihan namin yung reasons nila kung bakit sila maghihiwalay pero itinago nila iyon sa amin. Hanggang sa nagising nalang kami na umuwi si Mom na lasing and hindi lang isang beses yon nangyari Rach everyday siyang ganyan. She never talked to us sinced that day." Galit kong sabi.

"Okay, okay.,, relax naiintindihan naman kita eh, sa akin lang naman your Mom is not getting any younger dear. Tumatanda na si Tita and siya na nga ang gumagawa ng paraan para mapalapit sayo eh pero tinutulak mo siya palayo." Sabi niya.

"Hindi pa ako handang harapin ang isa sa kanila Rach. Please try to understand me, alam ko dararting din ang panahon na makakaya ko ng harapin ang mga magulang ko pero hindi pa ngayon." Sabi ko.

"Okay, basta sinasabi ko sayo na no matter what sila pa din ang mga magulang mo." Sabi niya.

"I know that. Sige Rach may gagawin pa kasi ako. Mag iingat ka nalang diyan iupdate mo nalang ako kung ano na ang balita ni Alcris diyan okay?" Sabi ko.

"Okay, mag iingat ka din diyan." Sabi niya at pinutol ko na ang tawag.

Ilang minuto na ang nakalipas nang matapos ang pag uusap namin ni Rach pero hindi pa din mawala ss isipan ko ang mga pangyayari noon.

Flashback...

Madaling araw ng natapos ang rehearsal namin kaya naman madaling araw na din kami nakauwi ni Rach. Pagod na pagod ako that time kaya naman pagdating ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kuwarto at agad na natulog na hindi man lang nakapag palit ng damit. Mahimbing ang tulog ko hanggang sa bigla nalang akong nagising dahil may naririnig akong parang may nababasag. Ngarag  man ay dali dali akong bumangon at agad na nagtungo sa may sala at dun ko nakita si Mom na binabato niya ang mga nakaframe naming mga larawan na kasama si Dad. Lumapit ako sa kanya pero itinulak niya ako, mabuti nalang at sa may sofa ako bumagsak.

"Mom? Are you drunk? May problema po ba?" Nalilito kong tanong.

"Leave me alone! Umalis kayo kasama ng Daddy ninyo! Hindi ko kayo kailangan dito!" Bulyaw niya sa akin.

"What's happening here?" Tanong ni Nadine na halatang kagigising palang.

Nanginginig ako habang nakatingin kay Mom. Unang beses ko siyang nakita na ganito. Parang hindi ko na siya kilala sa mga oras na ito.

"Mom, anong nangyayari? Where's Dad?" Tanong ni Nadine.

"Iniwan na tayo ng Daddy ninyo! Sumama na siya sa babae niya! Kayo!! Umalis kayo iwan din ninyo ako gaya ng ginawa ng Daddy ninyo! Umalis kayo dahil hindi ko kayo kailangan dito! Kaya kong mabuhay ng wala kayo!" Sigaw niya habang tinuturo turo niya kami ni Nadine.

Sinubukan siyang yakapin ni Nadine pero itinulak niya din ito. Ang akala ko yun na ang una at huling beses na makita ko si Mommy na lasing pero nagkamali ako dahil araw-araw siyang naglalasing at araw-araw niya din kaming ipinagtabuyan ni Nadine hanggang sa hindi ko na nakayanan na makita si Mommy na lagi nalang alak ang hawak ng kanyang kamay kaya naman masakit man para sa akin ay nagdesisyon akong umalis ng bahay at mamuhay ng malayo sa kanya. Nagsumikap akong mabuti para mapabuti ang aking career hanggang sa nakabuo ako ng sarili kong pangalan. Kung sa tingin ng iba ay napakasaya ko sa buhay ko dahil sa tagumpay na naabot ko sa buhay pero di alam ng lahat na sa likod ng mga ngiti na nakapinta sa aking mga labi ay madilim na nakaraan akong itinatago.

End of flashback...

At noong mga panahon na gumawa ako ng eskandalo na nadamay si Glaiza ay dahil iyon sa nabalitaan kong tuluyan ng pinakasalan ni Daddy ang kabit niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawang mali ni Mommy para ipagpalit siya ni Dad na kung tutuusin ay madami ang nagsasabi na maswerte na si Dad dahil si Mommy ang napangasawa niya.

Oo aaminin ko noon na umaasa pa din ako na magkakabalikan sila ni Mom pero naglaho lahat iyon nang pinakasalan niya ang babae niya. Kaya ako nagkaganito ngayon, hindi na ako naniniwala sa salitang pag ibig dahil para sa akin hindi totoo ang salitang iyon. Pero binago lahat ni Glaiza ang pananaw ko dahil ipinadama niya sa akin ang totoong kahulugan ng salitang pag ibig. Kahit na pareho kaming babae pero sa kanya ko mas naiintindihan ang tunay na kahulugan ng salitang iyon. Ang akala ko nga noon ay habang buhay na akong mag isa dahil sa nangyayari kina Mom at Dad. Akala ko habang buhay nalang akong maglalaro sa mga lalaking makikilala ko dahil naging manhid na ako, pero hindi na ngayon. Binuhay akong muli ni Glaiza, binigyan niya ako ng bagong pag asa para maniwala at magtiwalang muli kaya naman gagawin ko ang lahat huwag lang kaming matulad sa nangyayari sa mga magulang ko. Gagawin ko ang lahat maging kami lang hanggang sa huli dahil gusto kong ipakita sa kanila na hindi basihan ang gender ng isang tao para magsama kayo ng matagal, hindi basehan ang gender ng isang tao para ipadama ninyo sa isa't isa ang tunay na kahulugan ng pag ibig, dahil isa lang ang naiintindihan ko walang pinipiling tao ang pag ibig. Pwedi kang makadama ng pag ibig sa kapwa mo babae o sa kapwa mo lalaki ang mahalaga lang nito ay kaya ninyong mapanindigan at maipaglaban ang pag iibigan ninyong dalawa at yan ang hindi nagawa ng aking mga magulang noon.

Masakit man isipin pero wala na akong magagawa ngayon kundi ang tanggapin ang katotohanan pinagtagpo lang silang dalawa para buohin kami ni Nadine pero hindi sila ang nakalaan para sa isa't isa.

A/N:

Morning mga labs.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon