H

3.2K 104 21
                                    

"Good morning love!" Bati ko kay Glaiza habang bitbit ko ang tray ng pagkain at inilapag ko ito sa gilid ng kama.

Nakangiti siya nang makita niya ako.

"Morning ano yan?" Nakangiti niyang tanong.

"Dinalhan kita ng breakfast, baka kasi nagugutom ka na eh." Malambing kong sagot.

"Diko alam marunong ka palang magluto." Sabi niya na hindi makapaniwala.

Ngumiti lang ako at nilapitan ko siya. Hinalikan ko siya sa labi at sa noo.

"I love you." Sabi ko.

"I love you too." Sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Sabay kaming kumain at ang saya saya naming dalawa, sana nga hindi na matapos ang kasiyahang ito.

"Glai, saan mo ba balak pumunta ngayon?" Tanong ko.

"Pwedi bang huwag na muna tayong lalabas? Gusto ko lang dito at kasama ka." Sagot niya.

"Wow! Gusto ko yan. Movie marathon nalang tayo." Suggest ko.

"Sige ba ,pero ligo lang muna ako." Nakangiti niyang sabi.

"Sure, mauna ka na, huhugasan ko lang tong mga pinggan." Sabi ko.

"Ako na maghugas niyan, share tayo sa gawaing bahay okay?" Sagot niya.

"No ,no,no. Ako na, diba sabi ko sayo gagawin kitang prinsesa? Kaya ako na ang bahala dito." Sabi ko.

"Rhian, hindi ako sanay eh, and ayokong sanayin ang sarili ko kasi baka iwan mo nalang ako bigla eh." Sabi niya.

"Hinding hindi mangyayari yon. Sobrang mahal kita kaya hindi ko kayang wala ka sa tabi ko." Sagot ko.

"Mahal din kita Rhi." Sabi naman niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

Ang sarap sa pakiramdam yung may yumayakap sayo ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam yung may magsasabing mahal ka niya. Sana ganito lang kami palagi. Sana walang problema ang darating sa amin ni Glaiza. Kasi ngayon palang ramdam ko kung paano ako binuong muli ni Glaiza. Ramdam kong mas mahal ko siya ngayon kesa sa mga ex ko noon.

Nakakatakot ang ganitong pakiramdam, yun bang alam mo sa sarili mo na kapag mawala siya sayo ay mahihirapan ka nang bumangon. Pilit kong nilabanan ang pakiramdam na ito. Pilit kong huwag masyadong mahulog sa kanya at magtira ako para sa sarili ko pero hindi ko nagawa. Masyado na akong nalulunod sa sobrang pagmamahal ko para sa kanya. Yun bang handa kong gawin lahat huwag lang siyang mawala sa akin. Handa kong talikuran lahat makasama ko lang siya. Ganun ko siya kamahal.

Pagkatapos na maligo ni Glaiza ay sumunod naman ako. Ilang minuto pa ay lumabas na ako sa banyo at nakita ko si Glaiza sa gilid ng kama na naka upo at nanonood ng TV.

Nang makita niya akong lumabas ay tumayo siya at kinuha niya ang mga damit ko sa may table.

"Here, hinanda ko na ang susuotin mo love, gusto kong pagsilbihan din kita hindi yung ako lang ang pinagsisilbihan mo." Sabi niya.

Kinikilig ako sa ginawang ito ni Glaiza, hindi nga ako nagkamali sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat.

"Salamat love, nag abala ka pa." Nakangiti kong sabi.

"Kahit kailan hindi ka naging abala sa akin. Kaya magbihis ka na diyan bago pa ako matukso." Pagbibiro niya.

"Okay lang naman sa akin kung may binabalak ka. Hindi kita aayawan." Nakangiti kong sabi.

"Umayos ka Rhian, masyado pang maaga para sa ganyang usapan." Sabi niya habang pilit na tinatago ang ngiti.

"Ayaw mo ba talaga? Kasi magbibihis na ako." Panunukso ko.

Nilingon niya ako at kita kong napalunok siya.

"Hi..hindi pa ako handa love." Sagot niya na medyo pabuhol.

"Hihintayin ko kung kailan ka magiging handa." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Tumango lang siya at nanood siya ulit ng TV show.

Isa sa mga nagustuhan ko kay Glaiza ay ang pagiging totoo niya. Oo aaminin ko ilang beses ko na siyang tinukso pero iisa lang ang lagi niyang sinasabi. Hindi pa siya handa.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan siya, kasi lumaki siya sa isang chirstian family and mahigpit na ipinagbabawal sa relihiyon nila ang ganitong klaseng relasyon, lalo na sa pamilya ni Glaiza na may kapatid na pastor.

Ayoko mang isipin pero gusto ko lang maging handa. Alam ko oras na malaman ng pamilya niya ang tungkol sa amin gagawa at gagawa sila ng paraan para lang paghiwalayin kami at ang tanging pag asa ko lang kapag nangyari yon ay si Glaiza. Nasa kanya yon kung ipaglalaban ba niya ang pagmamahalan namin o susundin niya ang gusto ng pamilya niya.

Knowing Glaiza alam ko matalino siya at alam ko din mahal niya ako gaya ng pagmamahal din niya sa kanyang pamilya kaya alam kong mahihirapan siya sa oras na malalaman na ng lahat ang relasyong ito.

"Love, ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong niya habang hawak niya ang aking kamay.

"Naisip ko lang love, kung ano kayang mangyayari sa atin sa oras na malaman ng parents mo na babae ang karelasyon mo ngayon?" Tanong ko.

Nakita kong may lungkot na namumuo sa kanyang mga mata.

"Hindi ko alam love. Mahal ko sila nanay at mahal din kita. Hiling ko lang talaga na sana hindi aabot sa punto na kailangan kong mamili between them and you. Kasi kapag nagkataon.."

Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Glai, kapag nagkataon sila ang piliin mo dahil sila ang pamilya mo. Sa bandang huli sa kanila ka pa din uuwi." Sabi ko.

Mas lalo siyang nalungkot sa mga sinasabi ko.

"Rhian, mahal kita alam mo yan." Sabi niya.

"Yeah, alam ko naman yon. At mahal din kita kaya ayokong nahihirapan ka. Oo aaminin ko na gusto ko ako yung pipiliin mo pero napakselfish ko naman yata kapag ganyan diba? Hindi yan ang tunay na pagmamahal na alam ko Glai. Basta ang gusto ko lang sa ngayon. Sulitin natin ang mga araw habang malaya pa tayong dalawa." Sabi ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw niya akong makawala.

"Huwag muna nating isipin ang mga bagay na yan love. Gusto ko munang maging masaya kasama ka. Gusto kong bumuo ng mga alaala na kasama ka." Sabi niya.

"Sinasabi ko lang sayo na kapag dumating ang araw na yon huwag mo akong iisipin. Ganyan kita kamahal Glai. Handa akong masaktan huwag ka lang mahirapan." Sabi ko.

Tahimik lang si Glaiza habang mahigpit pa rin siyang nakayakap sa akin. Alam ko malalampasan namin ang anumang pagsubok na darating sa amin. Gagawin ko ang lahat matanggap lang kami ng pamilya mo. Kung kinakailangan lumuhod ako sa harapan ng nanay niya gagawin ko yon. Ayoko kasing nahihirapan si Glaiza. Nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan at nalulungkot siya.

A/N:

Good morning mga labs! Isang tasang mainit na kape sa malamig na umaga. Mag iingat kayong lahat diyan okay? Huwag kalimutang magpasalamat sa Panginoon dahil nagising pa kayo sa umagang ito.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon