Q

2.2K 84 3
                                    

"B., are you sure na ready ka ng harapin siya?" Pag alalang tanong ni Bianca.

"Yes B..siguro ito na ang tamang panahon para bumalik ako ng New York. Isa pa ayoko ng maging pabigat sayo." Sagot ko.

"Kahit kailan hindi ka naging pabigat sa akin B. Kaya huwag mong isipin na pabigat ka okay?" Sabi niya.

Ngumiti lang ako.

"Kapag tapos na ang klase mo puntahan mo naman ako sa New York ha? Ipapakilala kita kay Glai." Sabi ko.

"Sure! Gusto ko ring makilala yong taong nanakit sa bestfriend ko." Sagot niya.

"Oh paano check in na ako. Mag iingat ka dito ha? Ikumusta mo ako kay tita." Paalam ko sa kanya habang niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mamimiss kita B." Sabi niya.

"Mamimiss din kita, don't worry araw-araw kitang tatawagan hanggang sa magsawa ka ng makita ang pagmumukha ko." Nakangiti kong sabi.

"Alam mo naman na hinding hindi ako magsasawa na makikipag usap sayo." Sagot niya habang kinurot ang kanan kong pisngi.

"Sige na pumasok kana baka maiwan ka pa ng eroplano." Pagtataboy niya sa akin.

Kinuha ko naman ang aking mga bagahe at naglakad ako papasok sa airport. Nang matapos na akong magcheck in ay umupo ako sa waiting area at kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ko ito.

Mas dumadami ang mga messages ko ngayon pinili ko ang pangalan na bubuksan at yon ay kay Rach. Ang dami kong unread messages mula sa kanya.

Inisa isa ko itong basahin mula sa pinakaunang mensahe niya hanggang sa pinakabago. May date ng message niya na kahapon pa at ang sabi niya ay kapag hindi ba daw ako babalik ng New York ay tatawagan na niya ang Daddy ko. Agad akong nabahala kaya naman nireplyan ko siya. Sakto namang naka online siya at agad siyang nakipag vediocall. Sinagot ko ito.

"Rhirhi? Thanks God at sinagot mo na ang mga messages ko sayo. Nasaan ka ba ngayon?" Unang tanong niya.

"Pabalik na ako ng N.Y.C. Rach nagpapalamig lang muna ako." Sagot ko.

" Nasaan ka ba? Bakit hindi ka man lang nagpaparamdam kong saan ka narororoon alam mo bang nag aalala na kaming lahat sayo? Yung Mommy mo, si Nadine at si Glaiza. Halos mabaliw na siya kakahanap sayo sa New York." Sabi niya.

"Bakit niya ako hinahanap? She's married so ano pang saysay at hahanapin niya ako." Sagot ko na kunwari diko alam na hindi natuloy ang kasal ni G.

"Hindi siya nakasal, umatras ang groom." Sabi ni Rach.

"Ganun ba. So do you think masaya ako dahil hindi natuloy ang kasal niya?" Sabi ko habang pinipigilan ko ang hindi mapangiti.

"Rhian, ano ka ba? Bakit nagkaganyan ka?" Tanong niya.

"Bakit di si Glaiza ang tanungin mo?" Sagot ko.

Narinig ko namang tinawag na ang mga pasahero bound to New York kaya naman nagpaalam na ako kay Rach.

"I'll call you nalang kapag nasa New York na ako okay." Sabi ko sabay ended the call.

Pagkatapos ng mahaba habang byahe ay nasa New York airport na ako. Nagsimula na akong kabahan dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Glaiza. Matagal tagal ding wala kaming komunikasyon kaya ganito nalang ang kabang nadarama ko.

Nang makasakay na ako ng taxi ay panay ang buntong hininga ko. Hanggang sa marating ko na ang bahay na tinitirhan namin. Pagkababa ko ay naglakad ako patungo sa loob ng bahay habang pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

Kinuha ko ang susi sa aking bag nang biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Glaiza na nakatayo na tila hindi makapaniwala na nasa harapan na niya ako ngayon.

"Rhian?!! Totoo ba itong nakikita ko? Rhian bumalik kana?" Maluha luha niyang sabi habang mahigpit niya akong niyakap.

Hindi ako nakapagsalita dahil wala akong maisip na sasabihin sa kanya.

"Rhian, salamat sa Diyos at binalikan mo na ako dito. Alam mo bang araw araw akong nagdarasal na sana bumalik kana para ipagpatuloy na natin ang naudlot nating pag iibigan." Sabi niya.

Dahan dahan akong kumawala sa pagkakayakap sa kanya at pumasok ako sa loob ng bahay at umupo sa sofa habang tinititigan ko siya.

"Hindi ako bumalik dito para makipag balikan sayo Glai. I come here para buoin muli ang sarili ko na winasak mo." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga katagang iyon. Wala sa isipan ko na sabihin iyon pero kusa itong lumalabas sa aking bibig.

"Rhian, alam ko malaki ang naging kasalanan ko sayo at handa akong maghintay kong kailan mo ako mapapatawad ang mahalaga sa akin ngayon ay bumalik ka na." Sabi niya habang kinuha niya ang aking mga kamay at pinaliguan ito ng halik.

"Glaiza, hindi madali para sa akin ang ginawa mo alam mo ba yon? Yung pakiramdam na iniwan ka ng taong mahal mo sa ere. Yung taong iniisip mo na hinding hindi mang iiwan sayo kahit kailan pero ginawa niya." Sabi ko habang naiiyak.

"Please sorry, alam ko masama ang loob mo sa akin, alam ko nasasaktan kita. Please biktima lang din ako ng isang ina na homophobic. Please bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para bumawi sa lahat ng kasalanang nagawa ko sayo." Sabi niya but this time nakaluhod siya sa harapan ko habang nakatitig sa akin at umiiyak.

"Tumayo ka diyan." Sabi ko habang inalalayan ko siyang tumayo.

"Glai, sobra akong nasaktan sa naging pasya mo. Gusto kong ipaglaban ka sa mga panahong iyon pero paano kita ipaglalaban kung ikaw na mismo ang sumusuko, alam mo ba kung nakikita ko lang ang nanay mo luluhod ako sa harapan niya para magmamakaawa na tanggapin niya tayo. Gagawin ko yon dahil sobrang mahal kita. Pero ikaw? Hindi mo nga magawang sabihin sa kaibigan mo ang totoo na hindi pa tayo naghihiwalay. Tapos ngayon hihingi ka ng isa pang pagkakataon?" Sabi ko sa kanya.

Yumuko siya at hindi siya nagsasalita. Tanging iyak lang ang ginawa niya.

"Alam mo? Hindi ko akalain na ganyan ka kaduwag. Kahit na mahal kita pero kung patuloy kang ganyan walang patutunguhan kung sakaling maging tayo man muli. Isa lang naman ang gusto ko Glai. Ipaglaban mo ang pagmamahalan natin. Mahirap ba yon?" Sabi ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Habang humagulhol siya ng iyak.

"Please bigyan mo pa ako ng isa pang chance Rhi para mapatunayan ko sayo na mahalaga ka sa akin. Pangako ko ipaglalaban kita kahit kanino. Huwag ka lang mawala muli sa akin dahil kapag nangyari iyon hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa sarili ko."sabi niya.

"Pag iisipan ko Glai. But for now mas makakabuti sigurong maging kaibigan lang muna tayo atleast hindi ako mag expect sayo." Sabi ko.

"Ku...kung yan ang gusto mo irerespeto ko ang desisyon mo. Huwag kang mag alala maghahanap ako ng bahay na mauupahan bukas para naman makalipat na ako." Sabi  niya.

"You don't have to do that. Stay here, hindi naman porket magkaibigan nalang tayo eh aalis kana dito. Baka nakalimutan mo we started as friends di ba?" Sabi ko habang hinahaplos ko ang kanyang buhok.

Nakatitig naman siya sa akin. Sa totoo lang hindi ko gustong gawin ito kay Glaiza pero dito ko malalaman kong totoo ba ang mga sinasabi niya sa akin kanina. Mahal na mahal ko ang babaeng ito but for now kailangan ko muna siyang turuan ng leksyon. Hindi naman kasi porket mahal mo ang isang tao ay tatanggapin mo nalang siya ng ganun kadali, minsan kailangan mo din siyang bigyan ng pagsubok ng sa ganun ay maging matatag siya pagdating ng panahon.




I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon