1E

2K 71 11
                                    

Mahigpit kong hinahawakan ang kamay ni Rhian habang naglakad kami papasok sa bahay kung saan ako lumaki. Ramdam ko na kinakabahan siya habang naglakad kami patungo sa loob kaya naman pinisil ko ang kanyang kamay at bumulong ako sa kanya.

"Don't be nervous everything will be alright. Ako ang bahala sayo." Sabi ko.

"I don't know how to face them Glai. Your family is different to mine kaya ako kinakabahan." Sagot niya.

"Trust me, walang mananakit sayo dito." Sabi ko.

Tumango lang siya at nagpatuloy kami sa paglakad.

Binuksan ko ang pinto at nang makita kami ni Alcris ay agad niya kaming sinalubong.

"Rhian! Glaiza! Nay, Tay nandito na sila!" Sigaw ni Cris habang papalapit siya sa amin.

Niyakap niya si Rhian nang mahigpit pagkatapos ay niyakap din niya ako.

"Tol!! Namiss kita ah! Ikaw din Rhian matagal na din yung huli nating pagkikita ah." Masayang sabi ni Cris.

Pinaupo ko si Rhian sa may sofa.

"Ikaw pala si Alcris, pasensya na ha, hindi pa kasi lubusang bumalik ang ala ala ko." Sagot naman ni Rhian.

"Ganun ba, ayos lang yun naiintindihan ko, siya nga pala Glai puntahan ko lang sila Nanay baka di nila narinig ang pagtawag ko sa kanila." Paalam ni Cris.

Tumango ako at agad naman siyang umalis pagkatapos niyang magpaalam kay Rhian.

Ilang minuto lang ay nakita ko ng papalapit na sa amin sina Nanay at Tatay. Bigla namang hinawakan ni Rhian ang aking kanang kamay at ramdam kong sobrang lamig ng mga palad niya.

Tumayo ako upang magmano sa aking mga magulang.

"Mano po Nay, itay." Sabi ko.

Ibinigay naman ni inay at itay ang kanilang kanang kamay upang pagmanuhin ako.

Nang makit ni Rhian ang ginawa ko ay ginaya niya ito.

"Mano po Nay. Mano po Tay." Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahina ang kanyang boses sa pagbigkas ng mga katagang iyon.

Sa halip na ibigay ni inay ang kanyang kamay ay niyakap niya si Rhian ng mahigpit. Nakita kong nagulat si Rhian sa ginawang iyon ni Nanay pero yumakap din siya kay nanay.

"Mabuti naman at sumama ka dito hija." Sabi ni nanay pagkatapos ng emosyonal nilang tagpo.

"Oh siya maiwan ko na muna kayo diyan at tatapusin ko lang yung niluluto ko sa loob." Paalam ni Tatay sa amin.

"Tutulungan ko na po kayo itay." Sabi ko habang nilingon ko si Rhian.

Ngumiti siya at tumango. Alam ko naintindihan niya na gusto kong mag usap silang dalawa ni Nanay kaya ako nagpaalam sa kanila.

Habang nasa kusina kami ni Cris at Tatay ay biglang tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko kung sino ang tumawag ay agad ko itong sinagot.

"Hello dude, anong balita?" Kabado kong tanong.

Matagal bago nakapagsalita si Chynna. At nang magsalita siya ay ramdam ko ang katamlayan ng kanyang boses.

"Du..dude lumabas na ang result." Sabi niya.

"Glaiza anak mamaya na yang cellphone na yan halika dito at namiss kita ng sobra." Sabi ni itay.

Ngumiti naman ako.

"Mamaya nalang dude nandito kami ngayon ni Rhian sa bahay." Sabi ko.

"Sige mamaya nalang. Enjoy kayo diyan pakikumusta mo nalang ako kina tita at tito." Sagot niya at pinutol na niya ang tawag.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon