N

1.9K 63 4
                                    

Mommy Clara

"Rach may nabalitaan ako na umuwi daw dito sa Pinas si Rhian? Bakit di man lang siya nagpakita sa akin?" Tanong ko kay Rach.

"Tita hindi po ako sigurado pero may kutob po ako na may kinalaman ang pag uwi niya sa biglaang pagpapakasal ni Glaiza." Sagot ni Rach.

Hindi ko alam kung magagalit o maawa ako sa anak ko. Ano bang meron sa babaeng iyon at sobrang nababaliw ang anak ko sa kanya. Kilala ko si Rhian hindi yon basta bastang naiinlove pero sa mga pinaggagawa niya ngayon siguro nasa babaeng ito ang hinahanap ni Rhian na katangian ng isang tao.

Hindi siya naghabol kay David noong naghiwalay sila but this woman is different she gave up her career because of her so this must be something about her kaya naghahabol sa kanya ang anak ko.

"Rach, pinagkakatiwalaan kita sa anak ko. Ano bang meron ang babaeng yan na sa tingin ko ay sobrang special siya kay Rhian." Tanong ko.

Umupo si Rach sa couch at tumingin siya sa malayo.

"Tita, ako din po ay nagtataka noong una kung bakit nagkakaganyan sa kanya si Rhian pero noong nakilala ko na si Glaiza nasabi ko sa sarili ko hindi imposibleng mahulog ng lubusan ang loob ni Rhirhi sa kanya dahil nasa kanya ang lahat ng katangian na hinahanap ng anak mo sa isang tao." Sagot ni Rach.

"Anong nangyari bakit biglaang magpapakasal itong si Glaiza?" Tanong ko.

"Dahil sa nanay niya. Hindi matanggap ng nanay ni Glaiza na lesbaina siya dahil sa pinalaki daw nila itong may takot sa Dios at ayon sa nanay niya isang malaking kasalanan ang pagiging member ng third sex." Sagot ni Rach.

Ngumiti ako dahil hindi ko alam kung maawa o magagalit ako sa naririnig ko. Meron pa palang mga magulang ngayon na namumuhay sa nakaraan. Kawawa naman si Glaiza dahil nagkaroon siya ng pamilya na hindi malawak ang pang una, pero mas kawawa ang anak ko dahil alam ko masasaktan siya ng sobra dahil sa pangyayaring ito at yan ang hindi ko kayang ipagsawalang bahala nalang. Kailangan kong bumawi kay Rhian.

"Rach, pwedi mo ba akong tulungan na makontak ko ang nanay ni Glaiza?" Pakiusap ko kay Rach.

"Ano po ba ang binabalak mo Tita? Hindi ko alam kung kaya ko ba kayong pagtagpuin pero sisikapin ko po." Sagot niya.

"Just do it bago pa ang kasal nila. Gusto kong tulungan ang anak ko." Sagot ko.

"Sige po, I know someone na pweding tutulong sa atin." Sagot niya.

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Rach sinabi niya doon kung saan kami magkikita ng nanay ni Glaiza at kung anong oras kaya naman agad akong nagbihis dahil ayokong malate sa pagkikita namin.

Nasa harapan na ako ng isang coffee shop, pinatay ko ang makina ng aking sasakyan at agad akong pumasok sa loob ng shop. May nakita akong isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Tinawagan ko si Rach para tanungin kung ito na ba ang babaeng kameeting ko ngayon at ito na nga daw ang sabi niya kaya naman pinutol ko ang tawag at agad akong lumapit sa kanya.

"Mrs. Galura right?" Sabi ko habang nakangiti.

Nakikita ko na nabigla siya pero agad naman itong nawala at napalitan ng kunot noo.

"Excuse me? Magkakilala ba tayo?" Sagot niya na medyo pataray.

Ngumiti ako dahil sa isipan ko halos lahat ng kakilala ko na malapit sa Dios ay may itinatagong hindi magandang ugali. Kaya naman umupo ako sa harap niya at hindi ko inalis ang ngiti sa aking mga labi.

"Actually, hindi talaga tayo magkakilala Mrs. But ipapakilala ko sayo ang sarili ko. Ako nga pala si Clara Ramos, Rhian's mother." Sabi ko.

Biglang nag iba ang hitsura ng kanyang mukha pagkarinig niya sa pangalan ng anak ko. Tiningnan niya ako na para bang sinuri niya kung may buntot ba ako sa aking likuran o wala.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon