1A

2.1K 80 9
                                    

"Nay? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko kay nanay nang makapasok na siya sa loob ng kwarto ni Rhian.

Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay lumapit siya sa kama ni Rhian. Hinawakan niya ang kamay ni Rhian at nagsalita.

"Naalala ko pa noong huli naming pag uusap, hiniling niya sa akin na tanggapin ko nang muli si Glaiza dahil hindi na daw kaya ng konsensya niya na makitang malungkot ang anak ko." Sabi ni inay habang hinahaplos niya ang mukha ni Rhian.

"Kailan kayo nag usap ni Rhian?" Tanong ko.

"Noong malapit na ang graduation mo. Hiniling niya sa akin na kahit yung araw lang na iyon ay kalimutan ko muna ang galit ko sayo dahil gusto niya na masaya ka habang tinatanggap mo ang iyong diploma." Sagot ni nanay.

"Pe..pero hindi kayo dumalo, walang dumalo ni isa sa inyo." Sagot ko.

Tumango si nanay.

"Oo dahil gusto kong ipakita sa kanya at sayo na sa panahong iyon ay ako naman ang nagwagi." Sagot ni nanay.

"Nagwagi? Bakit nay may hindi ba ako alam?" Tanong ko.

"Meron Glaiza, noong ikakasal ka kay Rain nakikiusap sa akin ang mommy ni Rhian na bigyan ko ng chance ang pagmamahalan ninyo kaya noong nalaman ko na umalis ka ng bahay at pumunta ka sa bahay ng tiyahin mo ay sinabi ko kay Rain na sundan ka para malaman niya ang totoo mong pagkatao dahil wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoo." Sabi ni Nanay.

"Ano?" Tanging nasabi ko.

"Kaya noong nalaman ni Rain ang totoo ay kinausap niya ako at sinabi niya na hindi niya kayang sirain ang relasyon ninyong dalawa. Doon ko narealised na kaya ngang intindihin ng ibang tao ang pagkatao mo ako pa kaya na ako ang ina mo." Sabi niya.

"Pero ang alam ko galit kayo sa akin. Ang alam ko itinakwil ninyo ako." Sabi ko.

"Oo galit ako sayo. Oo itinakwil kita dahil mas gugustuhin ko pang hindi kita makita ng matagal para makapag isip ako ng tama. Kaya mas pinili kong magalit sayo anak." Sabi ni Nanay.

"Ngayon alam ko na kung bakit ginawa yon dati ng Mommy ni Rhian, ngayon alam ko na kung bakit sinuportahan niya ang anak niya kahit na mali ito sa paningin ng marami, yon dahil ay may busilak na puso si Rhian. Tinupad niya ang pangako niya na pagkatapos mong makapagtapos ay makikipaghiwalay na siya sayo dahil yon ang kapalit ng pagtanggap ko sayo. Hihiwalayan ka niya at hindi kana niya gagambalain pa." Sabi ni nanay.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa galit.

"Paano mo nagawa ang lahat ng ito Nay? Bakit sa lahat ng tao na pweding gumawa sa amin ng ganito ay ikaw pa talaga?" Naiiyak kong sabi.

"Nagawa ko yon dahil hindi ko matanggap na ganyan ka! Pero ngayon alam ko na kung bakit hindi mo siya kayang kalimutan dahil sa napakabuti niyang tao. Nabulag ako sa sobrang galit ko sa inyo noon kaya hindi ako nakapag isip ng tama." Sabi ni Nanay.

"Glaiza, ang gusto lang ng Nanay mo ay ang makakabuti para sayo." Sabi naman ng Mommy ni Rhian.

"Glaiza anak, kaya ako pumunta dito dahil nag aalala ako sa kalagayan ni Rhian. Gusto ko kapag nagising na siya ay makita niya ako dahil personal ako na hihingi ng tawad sa kanya." Sabi ni Nanay.

"Alam mo bang nagalit ako sa kanya dahil ang buong akala ko ay ginawa lang niyang dahilan ang pamilya ko para makipaghiwalay siya sa akin. Alam mo bang walang sandali na hindi ko siya iniisip? Alam mo ba yon Nay." Sabi ko.

Niyakap ako ni Nanay at sa mga sandaling ito ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya. Matagal ko ng gustong maramdaman ang yakap na ito na mula sa aking ina kaya naman hindi ko napigilan ang aking mga luha at tumulo ng malaya ang mga ito sa aking pisngi.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon