W

2.1K 77 10
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang bumalik ako galing London para surpresahin si Glaiza sa birthday niya. Naging matagumpay naman ang plano namin ni Rach pero hindi lang talaga mawala sa isipan ko na nandoon si Solen. Feeling ko hindi safe si Glaiza sa babaeng yon eh at mas lalo akong nabahala nang mapansin kong mukhang may pagtingin siya sa girlfriend ko. May tiwala ako kay Glaiza pero kay Solen wala, alam ko kung anong klaseng pagkatao meron siya kaya gagawa ako ng paraan para malayo ko siya  sa kanya.

Biglang may kumatok sa aking pintuan habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag iisip. Tumayo ako upang tingnan kung sino ang bisita ko. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Annie kaklase ko na femme at tulad ko isa din siyang half pinoy kaya kami nagkakaintindihan sa loob ng classroom namin.

"Hi...ah..anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Is that how you welcome your suitor? I mean your visitor?" Nakangiti niyang sabi sabay yakap sa akin.

"Sorry, nabigla lang ako." Sagot ko.

"Come in." Sabi ko.

Pumasok siya sa loob at agad na umupo sa sofa.

"Ano yung gusto mo?" Tanong ko.

"Ikaw sana yung gusto ko eh, joke!! Tubig nalang." Nakangiti niyang sagot.

Umiling nalang ako dahil alam ko na may gusto siya sa akin. Yon ang sabi ng isa ko pang kaklase.

Pagbalik ko habang dala ko ang isang basong tubig ang nadatnan ko si Annie na nakatayo at nakatingin sa larawan naming dalawa ni Glaiza.

"Aheemm! Heres your water." Pag aagaw ko sa atensyon niya.

Nakita kong nabigla siya pero agad niya naman itong binawi.

Kinuha niya ang tubig at ininum niya ito habang nakatingin sa akin.

Pagkaubos ng laman ay inilapag niya ang baso sa mesa.

"Yung kasama mo sa picture sino siya?" Tanong niya.

Umupo ako at tinititigan ko siya.

"Si Glaiza, she's my girlfriend." Deretsahan kong sabi.

Ngumiti siya ng mapait.

"Aww, saan siya ngayon?" Tanong niya.

"Nasa London nag aaral." Sagot ko.

"So LDR kayo?" Tanong niya.

Tumango ako.

"You know what, kung LDR lang rin naman ang relasyon ninyo mas mabuti pang tapusin mo na, kasi bihira lang sa LDR ang magwowork." Sabi niya.

Ngumiti ako.

"May tiwala kami sa isa't isa." Sagot ko.

Ngumiti din siya.

"Yeah, I can see that, pero paano naman ang temptation? Alam mo kahit gaano pa kaloyal sayo yung girlfriend mo kapag tukso na ang lalapit sa kanya, hindi mo masisiguradong magiging loyal pa din yun sayo." Sabi niya na may halong panunukso.

"I can trust her na kahit ano pang tukso ang lalapit sa kanya ay hindi siya padadaig." Sagot ko.

"Lets see, kung tama ka ba o tama ako. Trust me Rhian I've been there imagine 10 years kami ng girlfriend ko pero nagawa pa din niya akong ipagpalit sa taong bago pa lang niya nakilala." Sagot niya.

Kumunot ang aking noo.

"So, ano ba talaga ang punto mo?" Tanong ko.

"Wala naman, hindi naman lingid sa kaalaman mo na gusto kita diba? Nakikita ko kasi sayo na masyado kang nagtitiwala sa girlfriend mo eh, knowing na malayo kayo sa isa't isa, isipin mo nga yung iba nagloko pa nga na kasama na nila mga jowa nila sa iisang bahay, yung jowa mo pa kaya na nasa malayo? What I'm trying to say is, don't give all your love to her. Magtira ka para sa sarili mo at para sa akin." Sagot niya.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon