1B

2.1K 76 8
                                    

Nasa apartment na kami ngayon kung saan kami nakatira ni Rhian noon. Pagpasok na pagapasok ko pa lang sa loob ay bumalik lahat ng ala ala namin noong magkasama kami dito. Bumalik naman sa Pilipinas si Nanay dahil may sakit si Tatay. Habang si Bianca naman ay bumalik din ng London para kunin ang mga gamit niya dahil sasama siya sa amin pagbalik sa Pilipinas.

Habang nasa sofa ako ay nilapitan ako ni Rhian. Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit kaya hindi kita maalala gayong may nakita akong mga pictures nating dalawa na magkasama tayo at halatang more than friends ang relasyon nating dalawa." Pauna niyang sabi.

Tiningnan ko siya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Kung nakalimutan mo kung anong meron tayo noon, hayaan mong magsimula tayong muli ng panibago nating istorya." Sagot ko.

Ngumiti siya.

"Totoo ba talagang nagkakagusto ako sa katulad mong babae? Alam mo ba kahit anong pilit kong alalahanin yung mga nakaraan na kasama kita pero wala talaga akong maalala. Lahat ng naalala ko ay ang magkasama kami ni David." Sagot niya.

Masakit marinig mula kay Rhian ang mga katagang iyon pero hindi ko siya masisisi dahil hindi niya naman kasalanan na humantong siya sa ganitong sitwasyon.

"Hayaan mo nalang kung hindi mo ako maalala. Siguro nga may rason ang lahat ng ito. Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang panahon para maalala mo ako." Sagot ko.

Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rach kasama si Nadine.

Agad na tumayo si Rhian upang salubungin sila.

"Nadine! Rach! Mabuti naman at dumating na kayo dito." Sabi ni Rhian na halatang natutuwa nang makita niya ang dalawang bisita.

Niyakap siya ni Nadine habang nilapitan naman ako ni Rach.

"Glaiza, totoo bang hindi ka niya nakilala?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Pero bakit? Bakit sa lahat ng taong pwedi niyang makalimutan ay ikaw pa." Sagot  niya.

Umiling iling ako.

"Hindi ko alam Rach pero hindi ako susuko alam ko maaalala niya din ako." Sagot ko.

"Rach, kumusta ka na?" Tanong ni Rhian habang umupo siya sa gitna namin.

"Ayos lang ako Rhi. Ikaw kumusta kana?" Tanong naman ni Rach.

"Maayos naman ang pakiramdam ko. By the way si Glaiza nga pala." Pakilala niya sa akin kay Rach at Nadine.

"Kilala namin siya Whiwhi." Sagot ni Nadine.

Kumunot ang kanyang noo.

"Paanong hindi ko siya matatandaan?" Tanong niya.

Nagkibit balikat si Nadine.

"Siguro kaya dimo siya matandaan dahil sa kanya mo naramdaman ang sobrang kaligayahan at sobrang pagkabigo. Siguro kaya di mo siya matandaan dahil pinilit mo ang sarili mo noon na kalimutan siya bago ka pa naaksidente." Paliwanag ni Nadine.

Tumingin siya sa akin.

"Kung totoong minahal kita noon, bakit hindi ko yon maramdaman ngayon?" Tanong niya.

Lalong nadudurog ang puso ko nang sabihin niyang hindi niya naramdaman na minahal niya ako. Ganun ba ako kadaling kalimutan?

Nagtinginan si Rach at Nadine sa akin at napansin iyon ni Rhian kaya naman humarap siya sa akin.

"Glaiza, huwag ka sanang magagalit pero sinasabi ko lang kung ano yung nararamdaman ko. Kung totoong minahal kita noon alam ko na maalala ko rin iyon kaya sana huwag kang magagalit sa akin ha kung ano man ang maririnig mo mula sa akin." Sabi niya.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon