1H

2K 75 1
                                    

Nandito kami ngayon ni Glaiza sa coffee shop na pag aari nila ni Chynna. Pagkatapos kong ipatest ulit si G ay nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib.

"Rhian, hi.." nakangiting bati sa akin ni Chynna.

"Hello there! Ano na umiiyak ka pa din ba?" Pang aasar ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas bago nagsalita.

"Pasensya na talaga Rhian, wala talaga ako sa sarili ko that time eh. Pero dapat din kasi dude binasa mo ulit eh." Sabi niya kay Glaiza.

Ngumiti naman si G sa kanya.

"Sa tingin mo makapag isip pa ako ng matino noong mga sandaling iyon? Eh umiiyak kana kaya tapos niyakap mo na ako na para bang wala kang balak na bitawan ako." Kwento ni Glaiza habang tumatawa.

"Sige tawanan ninyo yang katangahan niyo na yan. Hindi na ako nagtataka kung bakit magkaibigan kayong dalawa." Sabi ko.

"Rhian naman, huwag ka nang magalit. Lumabas na ang result di ba? Walang sakit ang babe mo." Sabi ni Chynna na may halong panunukso.

"Yeah, wala ngang sakit ang babe ko pero kung hindi ko yun nalaman eh baka si Nanay ang magkakasakit dahil sa kaabnormalan ninyong dalawa." Sagot ko.

Niyakap ako ni Glaiza.

"Huwag na nating ipaalam ang tungkol dito kay Nanay love ha?" Pakiusap ni Glaiza.

Napailing nalang ako.

"Rhian nakakuha na pala ako ng ticket para sa pamilya ni Glaiza." Pag iiba ni Chynna ng topic.

"Sinuri mo na bang mabuti yan? Baka naman ibang tao ulit ang maibook mo." Nakangiti kong sagot.

"Hindi na mauulit ang pagkakamaling iyon Rhian, here..icheck mo nga ulit." Nahihiya niyang sabi sabay abot sa akin ng plane tickets.

"Hindi ka na mabiro. Okay na yan, basta dapat mauna ka sa kanila ha? Kasi bukas na ang flight namin ni G madami pa kasi kaming isesettle doon." Sabi ko.

Tumango siya.

"Ako na ang bahala dito ipapalabas ko na mag totour ang Galura family sa London para naman hindi maamoy ng media ang gagawin ninyong pagpapakasal." Sagot niya.

"Thank you Chynna, gusto ko kasing itago ito sa media para na rin maprotektahan ko ang pamilya ni Glaiza sa mga mapanghusgang tao, alam mo naman na aktibo sa relihiyon nila ang mga magulang ang kapatid niya." Sagot ko.

"Si Ate Maricris Glai hindi ako sigurado na dadalo siya ha, ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin pero umayaw siya eh. Sinubukan na din ng Nanay mo pero hindi pa rin umubra." Sabi ni Chynna.

Nakita kong malungkot si Glaiza nang malaman niya ito kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Pupuntahan natin siya, tayo ang makikiusap sa kanya." Sabi ko.

"Rhian sigurado ka ba?" Tanong ni Glaiza.

"Yes, diba sabi ko sayo I'll do everything to make you happy. So after natin dito pupunta tayo sa kapatid mo." Sabi ko.

"Goodluck sa inyong dalawa." Sabi ni Chynna.

Habang nasa daan kami ay iniisip ko na kung paano ko kakausapin si Ate Cris. Alam ko masama ang loob niya kay Glaiza dahil sa hindi niya matanggap na babae ang gusto niya. Ayaw niyang sirain ni G ang family tradition nila which is ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para lang sa babae. Yeah, nabasa ko naman yan sa bible eh, pero hindi naman ginusto ni Glaiza na maging ganun siya.

Naputol ang pag iisip ko nang huminto na ang sasakyan sa isang bahay na hindi pamilyar sa akin.

"Nandito na tayo." Sabi sa akin ni Glaiza.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon