" Hoy Allisea ! anong ginagawa mo dyan ? " Tanong ni Lea sa kaibigan.
Napaangat mula sa pagkakaubob sa kanyang lamesa si Allisea at tinignan ang kaibigan. Napataas ang kilay ni Lea at napansin ang pamumula nang dalaga.
" Hoy ! bat nagblublush ka ? " Nakangising tanong ni Lea.
Inirapan ni Allisea ang kaibigan at tinakpan ang mukha.
" Hahaha. Ayaw mo sumagot ah ! oh siya mamaya daw kita kita tayong magbabarkada. And oras na ng klase ah bat wala ka pa sa unang klase mo ? " Dagdag pa ni Lea.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Allisea at inayos ang kanyang mga gamit. Iwinaksi niya sa kanyang isip ang tingin ni Craig sa kanya na para bang tutunawin na siya.
" Sige. Kita kita na lang mamaya. Punta na ako sa klase ko " Paalam ni Allisea at nauna nang lumabas.
Hindi niya na hinintay ang sagot ng kaibigan at agad nang lumabas. Naglakad siya papunta sa unang klase niya. Tumigil siya sa harap ng nakasaradong pinto at napabuntong hininga.
Namumula siya sa kahihiyan. Kanina pa .. dahil sa pagtitig niya din sa binata kanina. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganun na lamang ang kanyang naramdaman. Para pang hinihila siya nang mga mata nito at hindi niya maalis ang pagkakatitig rin dito.
Napabuntong hininga nanaman siya bago binuksan ang pinto. Pagkabukas ng pinto ay natahimik ang lahat. Pumasok si Allisea na may blankong ekspresyon sa kanyang mga mukha.
Nakangiting kumaway sila Jervis at Raze sa guro habang si Sander at Craig ay nakatitig sa guro. Si Franz ay nakangising nakatingin sa kanya kaya napakunot ang noo ng dalaga.
" Good morning. Sorry kung di ako nakapasok kahapon.May nagtangka kaseng takutin kuno daw ako pero wala namang binatbat nagpadala lang ng mga tauhan niya " Nakangising sabi ni Allisea at tinitigan ang mga estudyanteng nasa harap niya ngayon.
Nanlaki naman ang mata ng isang estudyante at bakas sa mukha nito ang takot sa ngising pinapakita ng guro, may mga ilan na man na parang walang pakialam sa mundo.
Napatayo si Raze at Inis na sumigaw.
" Sino nagtangka kay Mam ! Sagot ! " Galit na sabi ng binata at binigyan nang masamang tingin ang mga kamag aral.
Napadako ang tingin niya kay Craig na nakatingin ngayon sa guro at mabilis na pumunta sa harap nito.
" Hoy Craig ikaw yun ! hindi bat ikaw ang may gustong maghiganti kay Mam ! hah ikaw ba ! " Sigaw ni Raze sa kaibigan at hinatak pa sa kwelyo si Craig kaya napatayo ito.
Tumindi ang tensyon sa silid nang inalis ni Craig ang tingin sa guro at binigyan nang nagbabagang tingin ang kaibigan. Mabilis niyang inalis ang pagkakahawak ni Raze sa kwelyo niya at tinulak ang binata.
Nakatitig lamang sa kanila si Allisea habang si Jervis at Sander ay seryosong nakatingin lamang. Hindi parin naalis ang nakakalokong ngisi ni Franz na nakatingin din sa mga kaibigan at mukhang walang balak awatin.
" Wala pa akong ginagawa Raze " Walang emosyong sabi ni Craig at bumalik sa pagkakaupo at muling tinitigan ang guro.
Tumikhim ang guro kaya nakuha niya ang atensyon ng kanyang mga estudyante. Naiinis siya sa pagtitig palagi sa kanya ni Craig at naiilang ngunit hindi niya na ito pinansin.
" Maupo ka na Mr.Fuji " Saad nang guro.
Nagdadabog na umupo si Raze at tumingin sa guro.
" Hindi si Mr. Dela rosa ang tinutukoy ko. Babae siya for your information " Nakangising saad parin ng guro.
Napasinghap ang klase at isa isang sinuri ang kababaihan sa kanilang silid hanggang sa napadako ang tingin nang lahat sa babaeng nasa harap lamang ng guro.
BINABASA MO ANG
She's a Badass Teacher
AdventureAllisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be able to teach her future students well ? what if her students are brats, gangsters or in short, del...