ALLISEA/CALI'S POV
" Mommy san po tayo pupunta ? "
Agad kong nilingon si CL ngunit binalik ko din ang tingin ko sa daan dahil nagmamaneho ako. Nasa backseat si Ck at Cj kasama si manang, si CL lang ang nasa tabi ko dahil nagpromise siyang magbebehave.
" Secret muna now baby okay ? Bakit ayaw mo bang makasama si Mommy baby CL ? " Kunyaring nagtatampong tanong ko sa kanya.
Kamuntikan pa akong matawa ng biglang nanlaki ang singkit niyang mata at sunod sunod na umiling.
" Hindi po sa ganun Mommy, I'm so happy nga po eh kasi magaling ka na po tapos po hindi na kami iiyak nila Ck at Cj "
Napangiti naman ako dahil ang galang lang sa akin ng anak ko, 'lang' dahil sa akin lang ganyan yan. Sinilip ko sa salamin ang dalawa sa likod, natutulog si Ck habang si Cj ay naglalaro nanaman ng paborito nitong laruan na gitara, bigay to sa kanya ni Clarence eh.
Maging ako rin naman ay masaya dahil okay na ako, higit sa lahat ay nagpapasalamat para sa pagkakataong ito na magpatuloy sa buhay. Nagpapasalamat ako sa diyos dahil dininig niya ang panalangin ko na makasama pa ng matagal ang mga anak ko at bumuo ng pamilya. Sila ang dahilan kaya patuloy akong lumalaban para mabuhay.
Salamat din sa araw araw na paghihintay nila Steve sa akin para gumising at sa paniniwalang kakayanin ko ito. Kay Clarence na walang araw na hindi ako kinakausap kahit hindi naman ako sumasagot, sa mga kwento niyang naririnig ko kahit nakapikit ako, dahil don kaya mas lumakas ang loob ko para lumaban.
Kahit nakapikit naman ako ay naririnig ko pa rin ang mga sinasabi nila, ang bawat pagsusumamo nila na gumising ako, ang pagiyak ng mga anak ko lahat iyon inakala kong panaginip lang kung hindi pa sa akin sinabi ni Clarence.
Natatandaan ko pa nga ang ilang narinig ko pero karamihan ay limot ko na.
At ang pinakanakakagulat sa lahat ay ang pagkikita namin ni Rhey sa ospital, maging ako rin naman ay nabigla nung pagmulat ko ng mata ay boses nila ni Cralence ang narinig ko. Maliit talaga ang mundo, sa dinadami ng lugar ay nagkita kaming muli.
Sinulyapan ko si CL na ngayon ay naglalaro na ng espada, I sighed, napakahilig niya talaga sa ganyang mga laruan tinalo pa sila Ck. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya.
Punuuin ko kaya ng barbie yung kwarto niya ? baka magwala. Katakot takot pa naman tong umiyak atungal kung atungal talaga.
Hindi ko maalis sa sarili ko ang maging malungkot habang pinakikinggan ang mga kwento ni Rhey sa akin nung nasa ospital pa ako.
Marami nang nangyari simula ng umalis ako. Ni hindi ko man lang nasaksihan ang kasal ni Ella at Allan, ang ginawang panunuyo ni Luke kay Lea hanggang sa umabot sila sa kasalan. Ang mga naachieve ni Rhey sa larangang napili niya at higit sa lahat ay may girlfriend na si Carlo.
Imagine ? yung baklitang kaibigan ko nagkaroon ng girlfriend ? nakakagulantang lang talaga. Yung mga kompanyang iniwan ko sa kanya ay mas napalago niya pa at hindi pinabayaan. Ni hindi niya pinalitan ang pangalan nun at nanatiling 'Thompson', yung naging girlfriend niya pa yung secretary ko noon. Hindi ko inakalang may pagasang maging straight iyon eh mas malandi pa sa akin yun.
Life is indeed full of surprises talaga, sa sobrang dami ng nangyare pakiramdam ko ay napagiiwanan na ako. Pero hindi pa naman huli para humabol hindi ba ? kung kaya't ngayon pa lang ay sisimulan ko na.
Itinigil ko ang makina ng kotse sa harap ng isang magarang bahay. Isinuot ko ang katamtamang laki na shades at bumusina ng tatlong beses. Lumapit naman sa akin ang guard ng mansion at kinatok ang bintana ng sasakyan ko, ibinaba ko naman iyon at nilingon ang guard.

BINABASA MO ANG
She's a Badass Teacher
AdventureAllisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be able to teach her future students well ? what if her students are brats, gangsters or in short, del...