BAD #29

84.4K 2K 86
                                    

" You will handle this mission " Utos ng kanyang Ama at naghagis ng sobre.
Binuksan niya ito at binasa. Hindi na sya nagulat pa, alam nya na ang gustong mangyari ng Ama.

" Make this work Clean Cali, don't dissapoint me " 

Napangiti siya ng mapait, wala naman itong ibang inintindi kundi ang organisasyon. Ni minsan hindi siya tinanong kung okay ba siya, kung gusto niya ba ang ginagawa niya, wala kahit ano.

Tumango na lang siya at lumabas, nakasalubong niya pa ang kambal na kapatid na nakatingin sa kanya na para bang awang awa sa kanya ang mga ito. Nilagpasan niya lamang ito at pumunta sa kanyang kwarto para gumayak at isakatuparan ang misyong naatas sa kanya.

***

" Is everything set ? " Malamig na sabi ni Cali sa binatang magiging kaagapay niya sa misyong gaganapin.

Dahil nasa murang edad pa lamang siya, kailangan niya pa ng gagabay sa kanya sa mga misyong kanyang gagawin.

" 31129 everything is set. The target is going to his room now " sagot ng kanyang kausap.

31129, Imbes na salita.. numero ang ginagamit nila bilang pagkakakilanlan sa organisasyon o sa madaling salita ay palayaw kapag sila ay nasa misyon. 3 Para sa letrang C ng kanyang pangalan, kung pang ilan ito sa alpabeto. 1 Para sa A, 12 sa L at 9 sa I.

Apat na letra lamang ng iyong pangalan ang kukuhanan ng iyong palayaw. Iyon ang gagamitin mo kapag ikaw ay sumasabak sa mga misyon.

Inayos niya ang mga gamit na kanyang gagamitin at nagsimulang pumasok ng palihim sa mansion. Ang lahat ng security cameras ay nahack na at ang mga gwardiya ay wala namang kaalam alam sa gagawin niya.

Tumango siya at sinumulang akyatin ang pinakataas na palapag ng mansion kung san kasalukuyang namamahinga ang kanyang pakay. Gamit ang malaking puno na malapit, nakaakyat sya ng walang kahirap hirap.


Pagkatapat niya sa malaking garahe ng kwarto nito, ay dahan dahan syang bumaba. Inilabas ang kanyang baril at nilagyang ng silencer upang hindi makalikha ng kahit na anong tunog o ingay.

Kinuha niya mula sa buhok ang isang hair pin at kinalikot ang saraduhan ng sliding door ng kwarto upang siya'y makapasok, yun lamang ang daang maari niyang pasukin papaloob. Tumambad sa kanya ang natutulog na si Sen. Anderson--- isang hinahangaang senador. Kilala ito bilang mabuting public servant kung kaya't marami ang sumusuporta dito.

Ang utos ay mula sa kapwa nito senador na si Sen. Barett, may balak tumakbong presidente sa halalan at gusto niyang mawala sa landas ang kapwa senador dahil tulad niya, tatakbo din itong pangulo ng bansa.

Malaking sagabal ito para sa pagkapanalo niya kaya naisipan niya na itong ipadispatya. Malaki ang posibilidad na ito ang manalo sa susunod na halalan at ayaw niyang mangyari iyon.

Labag man sa loob, itinutok ni Cali ang kanyang baril sa senador at pinaputukan diretso sa ulo, sa parteng sigurado siyang hindi na ito mabubuhay pa. Alam niyang kinabukasan ay madadatnan na lamang itong walang buhay.


Dahan dahan din siyang umalis mula sa daang pinasukan niya at ibinalik ang lahat sa ayos na para bang walang nangyari. Wala siyang nilkhang kahit anong ingay

She's a Badass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon