BAD #7

128K 2.8K 156
                                        

----------------

" Nanny Marie why are you always giving me an angel figurine ? " Nagtatakang tanong ng limang taong gulang na babae sa nag aalaga sa kanya.

Binigyan ng babae nang isang tunay at masiglang ngiti ang bata at kinandong sa kanya.

" Because for me , your my angel in disguise as a child. You make me happy everyday. " Nakangiting tugon ni Marie sa bata.

Napangiti nang malapad ang bata at umikot upang mayakap ang tagapag alaga.

" Me too nanny. I love you so much for me your my mother " Tugon ng bata at mas hinigpitan ang kanyang pagkakayakap sa babae.

Niyakap siya pabalik nito at bumulong.

" I love you too baby Cali, Take care of that Angels okay ? because that symbolizes my love for you " Bulong nito at pinahid ang tumulong luha sa kanyang mga mata.

Kinalas ng bata ang yakap at matamang tinitigan ang babae.

" Why are you crying nanny ? " Maiyak iyak na sabi ng bata sa babae.

" I'm just happy that you came in my life baby Cali. Always remember that I'm always here for you. Forever " Sagot ng babae at muling niyakap ang bata.

------

" Nanny ! Nanny Marie where are you ? " Umiiyak na sabi ng batang si Cali habang hinahanap ang babae sa kanilang hardin.

Napasalampak sa lupa ang batang babae at tuluyan nang umapahaw ng iyak habang nililibot nito ang kanyang paningin sa paligid.

Agad siyang tumayo nang makita ang kanyang ina na nakatingin sa kanya. Walang atubiling nilapitan niya ito kahit labag sa kalooban nya. Sadyang malayo ang kanyang loob sa magulang.

" Mom where's nanny marie ? " Umiiyak na tanong ng bata sa kanyang ina.

Lumuhod ang kanyang Ina upang sila ay magkapantay at hinaplos ang pisngi nito.

" Don't worry Cali, she's in your dad's office. I think they're discussing about something. Your dad is looking for you, why don't you go there? " Nakangising sabi ng kanyang Ina na ikinataka niya.

Sinunod niya pa rin ang sinabing ng Ina dahil sa kagustuhang makita ang kanyang taga alaga.

Kumatok siya ng tatlong beses sa tapat ng opisina ng kanyang Ama.

" Who's that ? " Narinig niyang tanong nang ama sa loob.

Napalunok si Cali dahil sa takot sa Ama ngunit sumagot din kalaunan.

" D-Dad. This is Cali " Sagot ng bata.

Nakarinig siya nang yabag at bumukas ang pinto ng silid, agad siyang pumasok at napatakip ng bibig sa nakita.

Ang kanyang Nanny Marie ay sinasaktan ng mga tauhan nang kanyang Ama. Nasa harap nito ang ama niya habang nakatitig sa isa pa nitong tauhan na nakatali rin katabi ng taga alaga. Nagmamakaawa itong nakatingin sa Dad niya na walang emosyong nababakas sa mukha.

Humarap sa kanya ang kanyang Ama na siyang kinaatras niya. Hindi na napigilan ng bata ang pagpatak nang kanyang luha at tatakbo sana sa direksyon ng kanyang taga alaga ngunit may malalaking bisig ang pumigil sa kanya.

She's a Badass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon