THIRD PERSON'S POV
Humahangos na tinungo ni Craig ang unit ni Allisea, gamit ang dalang spare key na iniwan para sa kanya ng dalaga agad niyang binuksan ang pinto at pumasok.
Laking gulat niya ng madatnan ang isang magulong condo unit, halata na hinalughog ito at may hinanap.
Nagpalinga linga muna siya sa paligid bago tumuloy sa kwarto nito, hindi tulad sa labas maayos pa rin ang itsura nito at tanging sapin lamang ng kama ang magulo.
Naalala niya ang bilin ng dalaga kaya agad niyang kinapa ang ilalim ng kama at nasalat niya nga ang isang box na may katamtamang laki, kasing laki ng lalagyan ng sapatos para sa mga babae.
Naupo siya sa kama habang hawak iyon. Sinuri niyang mabuti ang box at bahagyang inalog upang mas makasigurado na iyon ang hinahanap niya.
Huminga muna siya ng malalim, napakunot ang noo niya ng mapansing dalawang sobre lang pala ang laman nito, akala niya ay napakaraming sulat ang makikita niya doon dahil sa sinabi ni Allisea sa video na 'letters'.
Nakalagay sa unang sobre ang kanyang pangalan habang sa pangalawa naman ay 'Lea' agad niyang napagtanto na ang Lea na tinutukoy dito ay ang guro din sa kanilang paaralan.
Inilapag muna niya ang isang sulat sa kanyang tabi at binuksan ang sulat na may pangalan niya.
Craig,
Oh ano ? bakit mo to binabasa ? haha joke lang Craig ahehe. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang sasabihin ko sayo, sa sobrang dami hindi ko tuloy maexplain. Hmm, sige na nga unang una, thank you. Thank you for loving me Craig kahit hindi ako nagiilove you too sayo ahaha. Teacher mo ko pero niniligawan mo ko ! tindi mo talaga haha. Pero seriously Craig grumaduate ka muna bago lumandi okay ? hindi ko pagbibigyan yang kalandian mo haha ! Oy joke lang inienlighten ko lang ang mood dahil ayokong mapatakan ng luha tong sinusulat ko pangsampung beses na ulit ko na kaya to kapagod pala magsulat.
Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa akin Craig, oo given na maganda ako pero kulang pa rin eh, pagbigyan mo na ako maganda naman talaga ako diba ? haha kaya nga pati sila Raze naakit sa akin eh. Sana grumaduate na kayo this year, kayong lima ha ! walang maiiwan. Alam ko may kanya kanya kayong dahilan kung bakit ayaw niyong umalis nasabi sa akin ni Raze eh alam mo namang napakadaldal nun ! haha wag mo siyang aawayin ah ? kayong magkakaibigan tulungan niyo palagi ang isa't isa. Ang daya mo nga dahil hindi mo shinare yung dahilan mo kung bakit ayaw mo umalis sa school di bale na marami pang panahon para dyan pagbalik ko, dahil babalik talaga ako kahit anong mangyare kahit na pagbalik ko may asawa at sampung anak ka na pero hindi ako ang Ina. Nakakalungkot kung ganun nga pero sana naman hindi.
Sorry Craig sa pagalis ko, pero kapag okay na ang lahat sasabihin ko naman sayo ang dahilan. I have family issues na kailangan kong isettle Craig, ni hindi mo alam kung sino ba talaga ako, kilala mo lang ako bilang si Allisea Carly Thompson, isang guro at sikat na naegosyante pero ang nakaraan ko may alam ka ba? adopted lang ako Craig at buhay pa ang tunay kong pamilya. Hays Craig saka ko na ikukwento ang lahat sayo, nga pala binabasted na kita dahil ayoko magsyota ng estudaynte ko haha grumaduate ka na lang muna kase makakapghintay naman yan diba ? nandito lang naman ako eh basta maantay mo ako eh diba mas masaya yun ? kung ayaw mo ehdi kila Raze na lang ako ahehe joke lang baka nagagalit ka na dyan.
Sige na nga aaminin ko na, Oo na mahal na kita kahit napakatahimik mo at bihira lang magsalita kahit na ang sweet mo kahit hindi naman halata kahit na bugnutin ka at mahilig tumingin ng masama lahat ng iyon ay minahal ko tungkol sayo, jackpot na lang dahil gwapo ka pa ! ahaha. Craig. learn to forgive, forgive your father Craig pero wag yung stepmom mo pabundol mo na lang yun ! haha joke lang ulit naiiyak na kase ako dito eh. Hayaan mo na lang yung stepmom mo, magsasawa din yan kakapuna sayo at kakabida sa anak niya. Fix yourself Craig, try to reflect everything about yourself. Napansin ko na may connection sa inyo ng kuya mo kahit half brothers lang kayo, work it out Craig I'll always support you kahit wala ako dyan. Hmm ano pa ba sasabihin ko ? baka makasampung page na ako neto sa sobrang haba o kaya makatulog ka na.
BINABASA MO ANG
She's a Badass Teacher
AdventureAllisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be able to teach her future students well ? what if her students are brats, gangsters or in short, del...