BAD #28

81.7K 2.1K 245
                                    

ALLISEA'S POV

Curse that haloween party ! Ang daming nagiinvite tuloy sa akin ngayong estudyante para maging partner ko !

Pwede naman akong pumunta ng walang partner eh, okay nga iyon kung tutuusin walang hassle saka teacher naman ako kaya Allowed na kahit wala akong partner.

Agad ding kumalat ang balita tungkol sa pagkakafired ni Steve, maraming naghinayang na mga babae, tsk nabawasan daw ng gwapo sa school psh.

Sila lang ang nanghinayang dahil ako ay natuwa, ayokong madungisan ang school ko ng katulad niya.

Pauwi na ako ngayon sa unit ko, actually nasa tapat na ako ngayon at binubuksan ang pang-apat na lock, sensya naman kung masyadong madami nag-iingat lang.

Napatigil ako sa pagpasok ng makarinig ako ng mahinang kalabog sa loob ng unit ko. Dahan dahan akong pumasok at sinara ang pinto, agad kong kinapa ang switch ng ilaw at tumambad sa akin pagkabukas ko nun ay ang magulo kong sala.

Anong nangyare ? Dali dali akong lumapit sa sopa ko at inangat ang sapin non hanggang sa pinakahuli, inilabas ko mula don ang nakatago kong baril. Hinagis ko ang mga gamit na dala ko at kinasa ang baril. Nakakalat ang mga baril ko dito, oo marami akong baril na nandito sa unit ko na nakatago.

May nakapasok sa loob ng bahay at naririnig ko ang mga kilos nila, ibig sabihin ay hindi sila iisa. Alam kong dapat tumawag ako ng pulis pero hindi na kailangan iyon. Para san pa ang kakayahan ko kung hindi gagamitin hindi ba ?

Napakunot ang noo ko ng madaanan ang kusina, bukas ang ref at nakalabas ang lalagyan ng cake na binili ko kagabi ! Walang hiya pati iyon kinain ! Favorite flavor ko pa naman iyon.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid, natutuon ang ingay sa kwarto ko. Dahan dahan akong naglakad patungo don at sinigurado kong wala akong ingay na malilikha, nakapagtataka dahil hindi nila napansin na may tao na samantalang binuksan ko pa nga yung ilaw.

Nasa tapat na ako ng pinto at nakakarinig ako ng dalawang taong naguusap, hindi ko maintindihan yung usapan nila dahil parang bumubulong lang sila.

Umatras ako ng ilang hakbang at malakas kong sinipa ang pinto ng kwarto ko, sabay tutok ng baril sa mga taong nanloob sa unit, nasira pa tuloy yung pinto. Bumagsak iyon sa sahig.

Nakapatay ang ilaw sa kwarto kaya hindi ko mamukhaan itong mga nanloob sa unit ko, pero dalawang tao lang sila at panglalaki ang pangangatawan nila, nakatutok din sa akin ang baril na hawak nila.

" Sino kayo at anong ginagawa niyo sa unit ko ? " Maangas kong sabi at unti unting lumapit.

" Bro, what did she say ? " Narinig kong tanong nung isang lalaki sa kasama niya, mga sosyalin pala ang mga to dahil english speaking parehas.

Lalapit na sana ako pero naisipan ko munang buksan yung ilaw kaya nagmamadali akong pumunta kung san iyon nakapwesto at pinindot, bumungad sa akin ang dalawang lalaki na nakamaskara ng puti, yung isa ay sad face na maskara at yung isa naman ay naka smile na maskara. Teka, parang pamilyar ang mga iyon ah ?

" Are you Allisea Carly Thompson ? " Seryosong tanong nung isa.

Kumunot ang noo ko, titig na titig siya sa akin. At ano naman ang kailangan ng mga to ?

" And so ? Remove your masks and show yourself intruders " Ayan napaenglish na din tuloy ako.

" Oh my god ! " Singhap nung isa nang mapatingin siya sa akin, bakit kilala ba nila ako ?

Unti unti nilang tinanggal ang maskarang suot, aba hindi na nagpapilit , maganda yan. Nakatutok pa rin ang baril ko sa kanila hanggang sa nakita ko ang mukha nila, at teka parang iisa lang yung mukha nila ?

She's a Badass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon