a/n: Short update lang ! Sarreh busy ee ..
------------------------------
THIRD PERSON'S POV
" Magandang umaga mahal na prinsesa ! " Pambungad na bati ni Allisea pagkadilat na pagkadilat ni Lea.
" Oh siya alipin ikuha mo ako ng gatas " Bumangon si Lea at namewang na parang prinsesa.
Natatawang binato siya Allisea ng unan na sumakto sa mukha nito.
" Aray ah ! Kung may galit ka sa akin diretsuhin mo ko ! " Singhal ni Lea.
" Wala naman akong galit sayo. Tumayo ka na dyan dahil aalis ako ngayon. "
Naunang lumabas ng kwarto si Allisea habang nakasunod naman si Lea. Tinungo nila ang kusina kung san may nakahandang kape at sandwich.
" San ka ba pupunta ? " Ani ni Lea bago dumapot ng sandwich sa lamesa.
" Sa company. May maarteng investor kase eh gusto ako pa makausap tss " Nakasimangot na sagot ni Allisea na dumampot din ng sandwich.
" Ah. Sama ako ? ahehe " Nakangiting tanong ni Lea.
Tinitigan siya ni Allisea bago napailing. Kung kumilos ito ay parang walang nangyare. Na parang hindi ito umiyak ng sobra kahit namumugto pa rin ang mga mata nito hanggang ngayon.
" Umuwi ka na lang. Kausapin mo si Kent ikamusta mo ko "
" Hay naku. Lagi ngang nagwawala iyon at gusto kang puntahan. Patay na patay sayo yun eh "
" Namimiss ko na siya. Sabihin mo dadalaw ako next saturday sa kanya "
" Oo na "
Pagkatapos nilang kumain ay sabay silang umalis sa unit ni Allisea. Si Lea ay umuwi habang siya ay dumiretso na sa opisina.
Pagdating sa kompanya, nakangiting binati ang dalaga ng gwardya, tinanguan niya na lamang iyon at nagtuloy tuloy sa pagpasok. Yumuyuko ang lahat tanda ng paggalang kapag siya ay nakakasalubong, puros tango muli ang kanyang sinagot.
Nakangiting sinalubong siya ng kanyang sekretarya at inihatid papunta sa isang conference room para sa gaganaping meeting ng kanilang possible investor.
Napatayo ang lahat pagpasok ni Allisea ngunit siya ay napako ang tingin sa lalaking nakangisi ngayon. Tumindig ang kanyang balahibo at bahagyang nanlaki ang mata ngunit agad din umayos ng tayo.
" Good Morning " Pagbati ni Allisea bago maupo sa gitna bilang head ng kumpanya.
Pilit niyang isinantabi ang gulat ng makita ang isa sa mga guro sa kanyang paaralan, si Steve Williams na nanguuyam na nakatingin sa kanya. Bahagya siyang nainis sa paguugaling meron ito, isang tingin pa lamang ay mukha na itong mapagmataas sa sarili-- isang ugali na pinakaayaw niya.
Tumikhim ang dalaga upang mapukaw ang atensyon ng lahat. Siya, ang kanyang sekretarya, si Steve at isang lalaking katabi nito ang nasa loob ngayon ng silid.
" Good morning too Ms.Thompson " Nakangising bati ni Steve at nasandal sa kinauupuan nito habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga na siyang ikinaasiwa nito.
Tumingin na lamang sa ibang direksyon si Allisea bago inutusan ang sekretaryang ipaliwanag ang kasunduan para sa dalawang kumpanya. Pagkatapos nito ay iniabot ng dalaga ang dalawang folder kay Steve at sa kasama nito na pinasadahan naman nila ng basa.
BINABASA MO ANG
She's a Badass Teacher
AventureAllisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be able to teach her future students well ? what if her students are brats, gangsters or in short, del...