" So much for today, Class dismissed " Saad ni Allisea at pinindot ang kanyang hawak na remote upang bumukas ang pintuan ng silid.
Nasa huling klase na si Allisea para sa araw na ito. May apat na klase siyang tinuturuan sa ikaapat na taon ang 4-A, 4-B, 4-C at ang 4-D na siyang advisory Class niya. May pitong seksyon sa ikaapat na taon apat dito ang tinuturuan niya.
Nakangiting lumabas ang mga estudyante niya habang nanatili siyang nakaupo sa lamesa at tumatango sa mga nagpaalaam sa kaniya. Ito ang kaibahan kapag nasa 4-A kang klase, matitino ang mga nandirito at matatalino di tulad ng iba, well she can help but compare.. mga grade concious ang nandito. Namumukod tangi ang seksyon na to sa ikaapat na taong lebel dahil mababakas ang paggalang sa mga mukha ng magaaral sa seksyon na ito.
Pagkalabas ng lahat ng kaniyang estudyante ay lumabas na rin si Allisea sa silid. Napadaan siya sa faculty office nila na ksalukuyan nang inaayos.
Tumingin si Allisea sa paligid at napansin niyang wala ng masyadong estudyante. Maingat na tinungo ni Allisea ang isa pa niyang opisina at siniguradong walang makakakita sa kaniya. Malakas ang pakiramdam niya kaya agad niyang mababatid kung may nagmamatyag o sumusunod sa kaniya.
Napangiti si Allisea ng walang kahit sinong nakapansin sa pagpunta niya sa kaniyang Opisina, ang opisina ng punongguro.
Binuksan niya ito at agad pumasok sa loob. Nilock na rin niya ang pintuan kung mayroon mang magtangkang pumasok sa loob.
Umupo siya sa upuan niya at ito'y pinaikot. Pinikit ang kanyang mata. Napadilat siya nang maalala ang kaniyang dapat alamin ukol sa nagutos upang takutin siya.
Inilabas ni Allisea ang kaniyang mamahaling laptop at Cellphone. Ang impormasyon sa panahon ngayon ay madaling nakukuha sa pamamagitan ng teknolohiya o sa pamamagitan ng pera.
May pinindot na numero si Allisea at tinawagan. Unang ring pa lamang ay sinagot na ito.
" Yes Madam ? " Ani nang nasa kabilang linya.
" I want you to know who's that person behind the five students who tried to scare me a while ago. I want you to give me the information after one hour only " Maowtoridad na sabi ni Allisea sa kausap.
" Okay madam I'll send my report after an hour " Sagot pa ng nasa kabilang linya.
Pinatay na ni Allisea ang telepono at sumandal sa upuan. Napangiti siya sa kaniyang isipan dahil mukhang hindi siya mahihirapan na malaman iyon at may kutob na rin siya kung tutuusin. Pagpapatunay at ebidensya na lamang ang kailangan.
She thinks its a leader of gang here on school or siya.
Sa loob ng isang oras ay tinapos ni Allisea ang mga papels na kailangan niyang pirmahan at suriin galing sa mga kompanyang pag mamay ari niya. Pati ang kaniyang ituturo para bukas ay ginawa niya na rin.
Napangiti siya nang tumunog ang telepono niya at may isang mensaheng dumating. Binuksan niya ito at agad na binasa.
From: Detective Santos
I already sent the report on your email.
Napangiti siya at binuksan ang kaniyang email at binasa ang nakasaad doon.
" Sabi ko na nga ba. " Madiin na sabi ni Allisea at pinatay ang laptop.
Naghanda na siya para sa paguwi. Mag isa niyang binabagtas ang daan patungong parking lot. Madilim na at ang liwanang na lamang galing sa mga poste sa eskwelahan ang makikita. Pasado alas otso na kung kaya't hindi na siya nagtaka dahil hanggang ikanim lang ng hapon ang klase sa paaralan.
BINABASA MO ANG
She's a Badass Teacher
AdventureAllisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be able to teach her future students well ? what if her students are brats, gangsters or in short, del...